JERRY OLEA: Blockbuster!
Dinumog nang bonggang-bongga!
Certified hit ang huling gabi ng lamay para kay Jonathan Aguilar Garcia a.k.a. Chokoleit a.k.a. Mahal Na Reyna (MNR) nitong nakaraang Sabado ng gabi, Marso 16, sa Cosmopolitan Funeral Homes ng Davao City, Davao del Sur.
“Nagpadala ang ABS-CBN ng apat na events security guards,” kuwento ng half-brother ni Chokoleit na si Gerald Tabanag nang maka-chat ko nitong Linggo ng tanghali via Messenger.
“Tumawag ang ABS-CBN Manila sa ABS-CBN Davao and asked na maglagay ng security.
“Mga 10:00 PM, box-office hit na ang crowd.
“Ang dami! Dagsa! Nagkakagulo!
“Kaya kailangan, first come, first serve.
“Maraming naghintay sa labas ng funeral home bago nakapasok.
“Humupa ang dami ng tao, mga 1:00 AM.”
Ngayong Linggo ng hapon, 2:00 PM nakatakda ang misa para kay Chokoleit sa Davao Memorial Park, kung saan ike-cremate siya at ililibing kapagkuwan.
GORGY RULA: Tingin ko, mas mabuting ilibing na pagkatapos ng cremation.
Isa yun sa bilin sa simbahan na kahit iki-cremate, dapat na ilibing pa rin.
Huwag ilagay sa bahay dahil may lugar para roon, hindi sa kanyang tahanan.
NOEL FERRER: Maligayang Paglalabay patungo sa ating lumikha, Chokoleit!
Patuloy mo kaming gabayan at pasayahin ang langit!