JK Labajo, sinampahan ng kasong cyber libel ng ina ni Darren Espanto

IMAGE Facebook / Noel Orsal


GORGY RULA: Sinampahan pala ng kasong cyber libel si JK Labajo ng ina ni Darren Espanto na si Marinel Gonzales-Espanto.


Reliable ang source ng PEP Troika na galit ang magulang ni Darren sa mga ipinost dati ni JK at naging malaking isyu itong hidwaan ng dating finalists ng The Voice Kids Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya hinintay lang daw nilang mag-18 si JK nitong Pebrero 5, 2019 para puwede nang sampahan ng kaso.

Seventeen years old pa lang si Darren, kaya ang ina na niya ang nagdemanda kay JK.

Siyempre, hindi pa naisabatas ang pagpababa ng age of criminal liability, kaya hinintay muna ang pagtuntong ni JK ng 18 bago ito kinasuhan.

Nakarating na raw ito kina JK, kaya ganoon na lang pala ang pagkabuwisit nito nang paulit-ulit siyang sigawan ng “I love you, Darren!” sa Rakrakan 2019 musicfest noong Marso 1, Biyernes, sa Circuit Makati.

Sinubukan kong tawagan ang handler ni JK sa MCA Records Philippines, pero cannot be reached ang phone nito.

Bukas ang PEP Alerts sa pahayag ni JK, pati na rin ang magulang ni Darren kaugnay sa isyung ito.

JERRY OLEA: Kapwa 17-anyos pa lang sina JK at Darren nang sumiklab ang kanilang GAIF Feud noong Oktubre 2018.

Kumbaga, away-bata pa legally speaking ang sigalot na nag-ugat sa “gayness at its finest” tweet ni JK, na na-hack daw noon ang Twitter account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Marso 30, Sabado, tampok sina Darren, Jona at Lani Misalucha sa The Aces concert sa Araneta Coliseum.

Sakaling may sumigaw kay Darren ng “I love you, JK!”—ang isasagot daw niya ay “I love you, too!”

Kabilang naman si JK sa mga magpe-perform sa unang gabi ng Lubao International Balloon and Music Festival sa Abril 5, Biyernes sa Pradera Verde, Lubao, Pampanga.

Meron kayang mangahas na sumigaw muli kay JK ng, “I love you, Darren!”?

If so, magmumura kaya siya muli at magdi-dirty finger, o magsasabi na rin ng, “I love you, too!” or something to that effect?

NOEL FERRER: Dahil may kaso na, mananagot na at magkakalinawan na sana ang dalawang panig sa tamang platform/venue at proseso—at hindi na sa media.

Good luck!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN