Rere Madrid, bonggacious ang debut dahil kay Kuya Ruru

IMAGE Facebook


GORGY RULA: Tinupad ni Ruru Madrid ang wish ng sister niyang si Rere Madrid na magkaroon ng bonggang debut.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magarbo ang pagdiriwang ni Rere ng kanyang 18th birthday nitong nakaraang Sabado, March 16, sa Fernwood Gardens, Quezon City.

Dumalo ang ilang kasamahan ng dalaga sa Star Magic gaya ni Javi Benitez na kasabay niyang nag-graduate sa acting workshop.

Ilan sa Kapuso artists na bahagi ng 18 Roses ay sina Paul Salas, Prince Clemente at James Teng.

Nasa 18 Gifts sina Ashley Ortega at Bianca Umali, pero hindi nakadalo ang bida ng Sahaya.

Dumalo si Andre Paras na kaibigan ni Ruru.

Nag-acting workshop sa Star Magic si Rere, pero hindi pa niya tuluyang pinasok ang pag-aartista.

Nagmu-modeling lang muna siya.

Suportado ni Ruru kung gusto na ng kanyang kapatid na mag-artista.

Nagulat kami sa pagdating doon ni Keanna Reeves na kaibigan ng mommy ni Ruru.

NOEL FERRER: Kapag nagkataon, maganda at nakukuha nina Ruru at Rere Madrid ang best of both worlds.

Habang nasa Kapuso network si Ruru, si Rere ay under training naman sa Star Magic kaya marami ring taga-Star Magic na present sa kanyang celebration.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

I have been very vocal that Ruru and Bianca are the best young actors of the Kapuso network even if they are not together in projects.

Kaya kahit sa mga family matters, maganda lang na nagsusuportahan ang magagaling na mga artista at “kaibigan.”

JERRY OLEA: Palagay ko, makabubuting tapusin na lang muna ni Rere ang kanyang pag-aaral.

Hayaan na lang muna niya ang kanyang Kuya Ruru na siyang artista sa kanilang pamilya.

Kung dumating si Bianca sa debut ni Rere, lalong pag-uusapan ang special friendship nila ni Ruru.

Wala si Ruru sa cast ng bagong primetime TV series ni Bianca na Sahaya.

Wala rin si Bianca sa cast ng bagong movie ni Ruru na G! LU (or is it G! #ELYU) na kukunan sa La Union.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN