Launching movie ni Kyline Alcantara, kasado na

IMAGE Jerry Olea


JERRY OLEA: Matapos ang Kapuso prime-time series na Kambal Karibal, nag-guest si Kyline Alcantara sa Inday Will Always Love You, bago nagbida sa panghapong drama series na Inagaw Na Bituin na nag-umpisa noong Pebrero 11.

Siyempre, hindi magpapaiwan sa pansitan o kangkungan si Bianca Umali.

Title-role si Bianca sa Kapuso prime-time series na Sahaya, na magsisimula ngayong Marso 18, Lunes ng gabi.

Leading men ni Bianca sina Miguel Tanfelix at Migo Adecer.

Magpapakabog ba ang idolo ng sunflowers? No! No! No!

Marso 17, Linggo ng hapon, sa The PARC Foundation, Lt. Artiaga St., San Juan City, nag-look test si Kyline sa launching movie niyang Black Lipstick, na ididirek ni Julius Alfonso para sa Obra Productions.

Leading men ni Kyline sa pelikula sina Manolo Pedrosa at Migo Adecer.

Love interest din ni Kyline si Manolo sa Inagaw Na Bituin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maliban kay Migo, nasa cast din ng Sahaya si Snooky Serna, na gaganap bilang ina ni Kyline sa Black Lipstick.

So, sina Migo at Snooky ba ay “Inagaw Na Co-Stars”?!

First and only choice si Snooky para gumanap na mother ni Kyline sa Black Lipstick, na millennial version ng blockbuster movie ni Snooky na Blusang Itim (1986).

Sabi ni Snooky sa storycon matapos ang look test, nai-imagine niyang paglabas niya sa eksena ay nakablusang itim siya at slow motion, 'tsura ng lava walk ni Catriona Gray.

Natatawang pakli ni Snooky, “Catriona Gray, ikaw ba 'yan?”

Naku! Baka puwedeng mag-cameo rin sina Princess Revilla (bida sa 1989 movie na Jessa: Blusang Itim 2) at Kylie Padilla (bida sa 2011 TV series na Blusang Itim)!

Nag-request ako sa line producer na si Dennis Evangelista na kunan ng litrato habang magkatabi sina Snooky at Kyline.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapagkuwan ay inusisa ko si Snooky kung ano ang masasabi niya sa bida ng Black Lipstick.

Nakangiting tugon ni Snooky, “I want to congratulate her for bagging the role of Jessi, at bagay na bagay siyang maging Jessi, kaya congrats.”

“Thank you po! Salamat po!” sambit ni Kyline.

May trivia kami, friend! Si Kyline, siya ang nag-portray ng little Snooky in an indie film.

Hindi na maalala nina Snooky at Kyline kung ano ang title ng indie film na yun.

NOEL FERRER: Susuportahan ko ang Black Lipstick dahil mahusay at mabuting tao ang direktor nito na si Julius Alfonso.

Sana, magawa ng Black Lipstick kay Kyline ang nagawa ng Blusang Itim para kay Snooky.

Ito na ang acid test kay Kyline sa pagiging movie star at hindi pang-TV lamang as with the other Kapuso young leading ladies.

Barbie Forteza (Almost A Love Story), Bea Binene (Ang Sikreto Ng Piso), Sanya Lopez (Wild and Free), and Winwyn Marquez (Time And Again) didn’t quite make it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Will Kyline be luckier? We’ll see!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN