Anim na hunks, magsasama-sama para sa isang summer movie

IMAGE Instagram


JERRY OLEA: Pogilicious yummylicious ang mga bida sa summer movie na G! LU (Go! La Union).

Tampok dito sina Kiko Estrada, Derrick Monasterio, Enzo Pineda, David Licauco, Teejay Marquez, at Ruru Madrid bilang members ng VBC (Valley Boys Crew).

(L-R) Kiko Estrada, David Licauco, Derrick Monasterio, Teejay Marquez, Enzo Pineda, and Ruru Madrid

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Uy! Bench Bodies sila, di ba?! So, pasarapan sila ng abs?!

Inspired ba ito ng tagumpay ng surfing movie na Siargao?

Kasali kaya sa pelikula ang mga ganap sa 5th LAbor UNION festival sa May 1, 2019 Labor Day?

Nakakaintriga ang papel dito ni Teejay bilang pinaka-chickboy sa tropa.

Pwetmalu si Kiko sa pelikulang My Stepmother’s Lover with Sunshine Cruz. Mas mapangahas kaya siya rito?

Nasa cast din ng pelikula sina Dominic Roque, Marco Poli, Michelle Dee, Katarina Rodriguez, Chanel Morales, at Cynthia Thomalla.

Ididirek ito ni Philip King, para sa ALV Films.

NOEL FERRER: We can only wish that these films reach the target audiences and make it big in the box office.

Ibang klase, ‘no, habang sinasabing may krisis din sa pelikula, dumarami naman ang gumagawa nito.

Good luck!

GORGY RULA: Parang mahirap tandaan ang title kahit maiksi. G! LU, parang Gulo!

May subtitle namang Go! La Union, na campaign ng naturang lalawigan ang dating, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unless co-producer talaga dito ang LGU ng La Union para ma-promote ang kanilang beaches ngayong summer?

Pero sa totoo lang, maganda itong ginawa ng ALV dahil nabibigyan ni Arnold L. Vegafria ng trabaho ang talents niya.

Kasi, di ba, Sir Noel? Sa lahat na PAMI members, si Arnold Vegafria yata ang may pinakamaraming mina-manage na talents?

Kaya talagang ginagawan niya ng paraang makapagtrabaho silang lahat at ma-promote na rin.

Nakabuo pa siya ng ALV Films sa tulong ng iba pang co-producers niya gaya ng Benchingko Films ng Bench, at ito pang Rein Entertainment na co-producer dito sa G! LU.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN