Piolo Pascual, heartbroken sa sinapit ng Kuya Wes sa takilya

IMAGE Jerry Olea


JERRY OLEA: Lungkut-lungkutan si Piolo Pascual sa kinahinatnan ng pelikulang Kuya Wes, kung saan magkasosyo sila ni Ogie Alcasid bilang producer.

"Siyempre naman, you know, that’s my business, you know," nakangiting himutok ni Piolo nang makatsika namin nitong Marso 18, Lunes ng hapon, matapos siyang pumirma bilang ambassador ng AMA University Online Education.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pagiging artista, bayad ka. Pag producer ka, ikaw ang naglalabas ng pera.

“So, masakit din not just for us but also for the investors. For those who believed, such as Kuya Ogie who’s a first time producer.

“It’s heartbreaking for us, but we’re not the ones to give up, yeah.”

Konti lang na sinehan ang naibigay sa Kuya Wes na pinagbidahan ni Ogie. Agad-agad din itong na-pull out matapos ipalabas noong Marso 13, Miyerkules.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOEL FERRER: Nalulungkot ako sa sinapit ng Kuya Wes, na isang matinong pelikula na mahihirapang bumalik ang puhunan.

Buti na lang at mahaba-haba ang pisi nina Piolo at puwede pa silang mag-produce ulit.

Pero paano na lang ang iba, di ba?

Maganda ang panukalang sinang-ayunan na ng iba’t ibang sektor ng pelikula na gawing Biyernes ang pagbubukas ng sine.

Sana makatulong ito kahit paano. Hihintayin pa nating maayos ang circular bago maipatupad ito.

Gaano katotoo na may producers na gusto pa ring magbukas ng Wednesday at papayagan pa rin ito?

At wala pa ring guarantee na walang pull-out kung weekend sakaling hindi talaga kikita ang mga palabas na pelikula? Tuloy lang ang laban!

GORGY RULA: Seryoso na si Piolo Pascual sa pagpu-produce, at tiyak alam na niya ang strategy para hindi sila malugi nang husto.

Kumuha kaya sila ng crash course kay Mother Lily?

Kasi, kahit mag-flop ang isang pelikula sa mga sinehan, puwede pa nilang bawiin ang puhunan sa TV rights, video rights, at meron pang digital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya tingin ko, hindi sila malulugi nang husto sa Kuya Wes. Mababawi nila ang ipinuhunan, medyo matatagalan lang.

Doon sa desisyong Biyernes na ang showing ng mga pelikula, totoo ka, Sir Noel. May ilang producers na gusto pa rin nila ang Wednesday.

Hindi pa pala napagkasunduan ng lahat, kaya mahabang usapin pa iyan, bago maglabas ng press release.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN