JK Labajo, may show sa Pampanga sa kabila ng death threat

by PEP Troika PEP Troika
Mar 19, 2019
PHOTO/S: @weareamfm Instagram

JERRY OLEA: Tuloy ang performance ni Juan Karlos “JK” Labajo sa 6th Lubao International Balloon and Music Festival (LIBMF) 2019 kahit may banta sa buhay niya.

Naka-lineup si JK na magtanghal sa unang gabi ng nasabing event sa Abril 5, Biyernes, sa Pradera Verde sa Lubao, Pampanga.

Continue reading below ↓

Kinumusta namin sa event organizer na si Rambo Nuñez ang security details.

"We’re very prepared. We already had a meeting with the PNP last Friday," sabi ni Rambo nang maka-chat namin nitong Marso 19, Martes ng gabi, sa Facebook Messenger.

"Almost 800 policemen will be deployed plus additional security in the premises and bouncers."

Sa tatlong araw ng LIBMF 2019, alin ang pinakamabenta ang tiket?

"Malakas ang ticket sales namin from both SM and distribution outlets," sabi ni Rambo.

"We expect around 30,000 people per day. No specific day for a ticket so one ticket can be valid for any day."

Kabilang pa sa performers sa event sina Bamboo, Moira, This Band, December Avenue, Ben & Ben, Gloc 9, Shanti Dope, Al James, at apl.de.ap.

Siyangapala, ang music video ng "Buwan" ni JK ay umabot na sa 98M views sa YouTube.

Gagamitin kaya itong theme song ng pelikula o teleserye?

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Kaabang-abang itong Lubao International Balloon and Music Festival.

Magandang mapanood kung may epekto ba sa performance ni JK ang demandang isinampa ni Darren Espanto laban sa kanya.

Did it hurt him at all? O naging mas mahusay pa siyang performer? Sana!

In the end kasi, your best weapon is a good work!

Tingnan natin ang epekto sa ilalim ng puting ilaw, sa dilaw na buwan!!!

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @weareamfm Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results