Cristine Reyes, nag-request gumanap bilang kontrabida

IMAGE Noel Orsal

JERRY OLEA: Hiningi ni Cristine Reyes kay Direk Ruel S. Bayani (Unit Head ng RSB) ang papel na kontrabida sa Kapamilya morning series na Nang Ngumiti Ang Langit.

Salaysay ni Cristine sa mediacon nitong Marso 19, Martes, sa 9501 Restaurant, ABS-CBN Compound, Quezon City, “Two years ago, ginagawa ko pa lang yung Tubig at Langis, sabi ko kay Direk Ruel, ‘Direk Ruel, gusto ko naman, ano, gumawa ng bago.’

“Na hindi na siguro yung inaapi. Gusto ko naman ng something new na, alam mo yun, ma-explore ko naman yung other side ng acting world.

“Na ako naman yung kontrabida. Ako naman yung mang-aapi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hinawakan at tiningnan ni Cristine ang 10-year-old co-star na si Sophia Reola na gumaganap bilang Mikmik, at pagpapatuloy niya, “First eksena namin ni Mikmik, di ba, nag-ano tayo, VTR, whatever?

“So, napanood agad ni Amarah [four-year-old daughter ni Cristine]. Nakakatawa.

"Naintindihan naman niya. In-explain ko naman.

"Kasi, ito namang si Mikmik, nandun din. 'Tapos, nag-smile siya kay Amarah."

Pagkibit-balikat ni Cristine, “So, OK naman. I’m happy. Kasi, pinagbigyan ako ni RSB na gumawa ng something new.”

Sabi ni Sophie, sweet sa kanya si Cristine.

Mapapanood ang Nang Ngumiti Ang Langit umpisa Marso 25, Lunes ng umaga, sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOEL FERRER: Parang ang susi sa pang-umagang panoorin ay ang bata.

Although nakaka-miss ang kilig-kiligang Jodi Sta. Maria at Richard Yap sa ganung timeslot noon, kailangan talagang makahanap ng magandang kombinasyon na tatatak tulad ng Be Careful With My Heart.

Sana, ngitian ng langit ang ratings ng Nang Ngumiti Ang Langit na siyang papalit sa Playhouse.

GORGY RULA: Sabi nga ni Cristine Reyes, siya lang at ang anak niya ngayon.

Work at si Amarah ang focus ni Cristine, kaya mabuti na lang, sunud-sunod ang mga trabaho niya.

Bukod sa bagong teleseryeng ito, ipalalabas na rin ang action movie niyang Maria.

Sabi ng mga nakapanood sa special screening nito kamakailan, mas maganda ito kesa sa Buy Bust ni Anne Curtis.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Cristine tungkol sa kanila ni Ali Khatibi.

Noong huling nakausap namin siya sa presscon ng Maria, parang handa na rin si Cristine sagutin ito, pero kaagad na hinarang siya ng mga taga-Viva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN