Jak Roberto, gigiling na bilang Dante Gulapa sa Magpakailanman

IMAGE Facebook / Instagram

JERRY OLEA: Nabulabog ang Gulapanatics sa litratong in-upload ni Jak Roberto nitong Marso 19, Martes ng gabi.

Kuha iyon sa set ng Magpakailanman episode na "Viral Macho Dancer: The Dante Gulapa Story," na ipapalabas sa Marso 23, Sabado ng gabi, sa GMA-7.

Naka-short at sando si Jak sa litrato.

View this post on Instagram

Magpakailanman “Viral Macho Dancer” “Dante Gulapa story”

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

Nitong Marso 20, Miyerkules ng 1:01 PM, nag-post na si Jak ng 26-second video sa IG... umiindayog sa saliw ng "Buwan" ni Juan Karlos “JK” Labajo.

Naka-short na lang si Jak. Topless.

Bakit kaya "Buwan" ang ginamit na background music at hindi iyong "Kahit Ayaw Mo Na" ng This Band?

View this post on Instagram

Magpakailanman this Saturday! #Gulapanatics #Daigonatics

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

NOEL FERRER: Game!

Sana, hindi lang sa paggiling may ipapakitang galing si Jak kundi pati rin sa pag-arte.

Sana, naimpluwensyahan siya ng galing ng girlfriend niyang si Barbie Forteza.

Ganern, transferrable ang husay!!! Good luck!!!

GORGY RULA: Hindi ko akalaing marami ang magkainteres kay Dante Gulapa aka Big Papa.

Nagulat ako nang tinanong ako ng taga-FPJ’s Ang Probinsyano minsan kung paano siya ma-contact dahil napanood nila ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila interesado silang isama ito sa teleserye ni Coco Martin.

Pero nasa GMA-7 na kasi siya, at kaagad nagkainteres ang Magpakailanman sa kuwento niya.

Si Jak Roberto naman ang nababagay, at gustung-gusto ng Kapuso hunk ang ganitong challenge sa acting career niya.

Very positive ang mga taga-Magpakailanman na mag-rate ito, dahil pinapanood ang medyo daring at may sexy scenes.

Samantala, marami na rin pala ang nagkakagusto sa karakter ni Jak sa Kara Mia.

Sabi lang niya sa amin, kina Kara at Mia lang muna ang focus dahil ang isang challenge sa kanila ngayon ay kung paano paghihiwalayin sina Kara (Barbie Forteza) at Mia (Mika dela Cruz) sa kuwento.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN