David Licauco, aminadong hindi masyadong active ang sex life

IMAGE Jerry Olea / Instagram

JERRY OLEA: Sarap-sarapan ang abs ni David Licauco, na idini-display niya sa social media at sa Kapuso series na TODA One I Love.

Mas yummylicious ang abs niya kesa sa abs ng co-star na si Ruru Madrid, huh?!

E, kasi naman, dalawang beses kada araw kung mag-workout si David.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Usually, an hour and 39 minutes with my trainor. And then at night, I just jog and play ball,” sambit ni David nang makausap namin sa storycon ng pelikulang G! LU, nitong Marso 19, Martes ng hapon, sa Novotel Hotel, Araneta Center, Quezon City.

“Kasi, growing up, athlete din naman ako. So, nasanay na ang body ko na working out, pagurin ang sarili ko basically.”

Lumaking nagba-basketball si David. At bago siya nag-artista, tinapos muna niya ang pag-aaral.

May love life ba siya ngayon? Matamis ang ngiti ni David, “Ahhh, dating-dating lang, ganun.”

Ang main focus niya ay career at pagwo-work out.

May sex life ba siya?

“Ahhh, hindi masyado, e!” natatawang sagot ni David.

Excited si David sa shoot ng G! LU dahil kasama sa cast ang mga kaibigan niyang sina Ruru Madrid, Derrick Monasterio, at Kiko Estrada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Andito rin sina Enzo Pineda, Teejay Marquez, Dominic Roque, Marco Poli, Michelle Dee, Katarina Rodriguez, Chanel Morales, Kimi Mugford, Sophia Senoron, at Cynthia Thomalla.

First week of April nakatakdang magsimula ang principal photography nito sa San Juan, La Union.

June 2019 ang target playdate nito. Ipapalabas ito after a few months sa Netflix.

GORGY RULA: Apo si David Licauco ng manunulat at parapsychologist na si Jaime Licauco.

Minsan sa mga family gathering nila, tinatanong si David ng lolo niya kung talagang hilig ba niya ang pag-aartista.

Hindi kasi nila akalain na papasukin niya ang showbiz, dahil siya lang ang artista sa pamilya.

“Pero proud naman sila sa akin,” pakli ni David.

Medyo may pressure na sa kanya ngayon dahil hindi na siya nagsu-supporting actor.

Thankful siya kina Ruru Madrid at Kylie Padilla na kasama niya sa GMA-7 prime-time series na TODA One I Love dahil marami siyang natutunan sa kanila.

Ngayon ay kasama siya sa lead actors sa pelikulang G! LU, dagdag challenge sa kanya na marami siyang makakasama na mas marunong sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iniipon na lang niya ang mga natutunan niya sa mga magagaling na artista at inia-apply niya sa mga susunod na projects niya.

NOEL FERRER: Kahit na anong film/media project, it all starts with a good story.

Sana, with the hunks ther, mayroon namang magandang istoryang babagay at mapapaganda pa nila. Harinawa.

Good luck!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN