Chanel Torre, dapat bang pagselosan ng "lucky girl" ni Arjo Atayde?

IMAGE Noel Orsal


JERRY OLEA: Walang kyeme latik si Chanel Latorre sa mga mapangahas na eksena nila ni Arjo Atayde sa digital series na Bagman.

“It really depends on the story,” natawang sambit ni Chanel nang makatsika namin nitong Marso 13, Miyerkules, sa ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, Quezon City.

“For this one kasi, for Bagman, I think, it’s a story that needs to be told sans the... yung sinasabi nilang sex scenes, or violence, or nudity.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Humigit-kumulang sa 50 indie movies na ang nagawa ni Chanel mula noong 2009.

"Nawala" pa siya ng tatlong taon dahil nag-manage siya ng isang e-commerce company.

Na-shock si Chanel nang kunin siya bilang kapartner ni Arjo, at marami silang matitinding eksena.

Masarap bang katrabaho si Arjo?

“Very much! Very much!” masayang bulalas ni Chanel.

Gaano kasarap?

Natigilan pansumandali si Chanel bago ngumiti nang pagkatamis-tamis, “Sinuwerte ako. Pero mas sinuwerte kung sino man ang ano! Totoo! Ha! Ha! Ha!

“Kung sino man ang totoong kasama niya! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Dapat ba siyang pagselosan ng kung sino mang lucky girl na kasama ni Arjo?

“Ahmm, wala naman siguro,” kaswal na pakli ni Chanel.

“Depende kapag napanood niya ang Bagman!” sabay flash ng “peace” sign sa dalawang kamay.

NOEL FERRER: Dalawang Chanel na pala ang mayroon sa local showbiz—may Chanel Latorre na heto ka-partner ni Arjo sa Bagman, at Chanel Morales ng Artista Academy na girlfriend ni Carlo Guevara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama si Chanel Morales sa ALV movies na G! LU at My Stepmother’s Lover.

Hanggang saan ang aabutin nila sa showbiz? Good luck! Yun lang!

JERRY OLEA: Streaming na ang first 6 episodes ng Bagman simula ngayong Marso 20, Miyerkules, sa iWant.

Ang next 3 ay mapapanood umpisa Marso 27, at ang huling tatlong episide ay matutunghayan simula Abril 3.

Sabi pa ni Chanel Latorre, “For me, Bagman is a once-in-a-lifetime experience... it’s something that people should really watch.”

Nasa cast din ng Bagman sina Raymond Bagatsing, Yayo Aguila, at Alan Paule.

Isinulat at idinirek ito ni Shugo Praico.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN