Box-office report: Papa Pogi, mas nakaungos sa Pansamantagal

by PEP Troika
Mar 21, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

NOEL FERRER: Nakakalungkot! Nag-first-day-last-day sa maraming theaters ang pelikula nina Bayani Agbayani, Gelli de Belen, at DJ Chacha na Pansamantagal.

Umabot naman daw ito ng PHP200K mark sa opening-day earnings nito kahit pa Graded B ang pelikula ng Cinema Evaluation Board.

Mas nakaungos ang pelikulang Papa Pogi nina Teddy Corpuz, Donna Carriaga, at Myrtle Sarrosa.

Continue reading below ↓

Puwedeng umabot ito sa PHP500K, pero sobrang hina pa rin ito kumpara sa mga tunay na box-office hits.

Dahil mahina rin naman ang iba pang pelikula, mukhang marami pa ring sinehang magbibigay ng chance sa Papa Pogi na umaasang mag-pick up pa rin.

Ito ay sa tulong ng araw-araw na pagpa-plug sa ABS-CBN daily noontime show It’s Showtime.

Continue reading below ↓

Generally, bagsak pa rin ang industriya ng pelikula sa mga sinehan.

Parang patak ng tubig at pag-indap ng elektrisidad na dinaranas ng mga kababayan natin ngayon.

Sa tingin ninyo, uunahin pa ba nila ang panonood ng pelikula? Sabi nga, panlipunang problema na ito talaga!

JERRY OLEA: Manonood ka ba ng pelikula kung hindi ka pa nakakaligo?

Pansamantala lang talaga sa mga sinehan ang Bayani-Gelli movie.

Sa Marso 27, Miyerkules, abangan natin ang kahihinatnan ng Maria ni Cristine Reyes at Eerie nina Bea Alonzo at Charo Santos.

Kasabay nila ang Hollywood movie na Dumbo, di ba?

GORGY RULA: I'm sure, happy na si Mother Lily sa resulta ng Papa Pogi dahil hindi sila nag-e-expect na maghi-hit ito nang bonggang-bongga.

Mukhang tinipid ang dalawang pelikulang ito, kaya hindi siguro luging-lugi.

Ganoon na lang siguro ang dapat gawin. Tipirin na lang para hindi ganoon kasakit kapag sumemplang.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results