Veteran actress Anita Linda, bida pa rin sa pelikula sa edad na 94

IMAGE Circa poster


JERRY OLEA: Nagwagi ang CIRCA ng White Light Post-Production Award nitong Marso 20, Miyerkules, sa Hong Kong Film Financing Film Forum.

Ang CIRCA ay pelikulang pagbibidahan ni Anita Linda, sa direksyon ni Adolf Alix Jr.

“Tita Anita is 94 years old now, the oldest active actress working in the local movie industry,” lahad ni Direk Adolf nang maka-chat ko nitong Marso 21, Huwebes nang hapon, sa Facebook Messenger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“CIRCA is about Doña Atang, one of the great Filipino film producers, who asks her children to call all the actors she has worked with for a reunion to celebrate her centennial.”

Sampung taon na ang lumipas mula nang manalo si Anita ng Best Performance sa 19th Young Critics Circle, para sa Adela na idinirek ni Adolf.

Nagwagi rin doon ang Adela sa mga kategoryang Best Film, Best Screenplay, Best Editing, Best Cinematography & Visual Design, at Best Sound & Aural Orchestration.

“I can’t wait to see Tita Anita give life to another beautiful character soon,” sambit pa ni Direk Adolf.

“Okey pa po siya and still in fighting form though hindi na ganoon ka-mobile. She is excited to still work.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Fiction ang kuwento ng CIRCA, na kaugnay sa pagdiriwang ng ika-100 taon ng Philippine Cinema umpisa sa Setyembre.

Malaking tulong sa proyekto ang grant ng Hong Kong Film Financing Forum 2019 na US$15,000 o PHP787,500 (base sa PHP52.50 exchange rate).

“We plan to shoot this year po in time for the Centennial celebration,” sabi pa ni Direk Adolf.

NOEL FERRER: I can attest to Tita Anita’s excellence and professionalism.

Marahil, bumagal lang siya dahil sa edad, pero ang isip niya ay matalas pa rin at hindi nawawala ang brilyo at galing niya bilang artista!

Kasama ko si Adolf nang gawin namin ang Adela kung saan nagwagi si Tita Anita bilang best actress sa CineManila International Film Festival.

Ngayon, excited ako sa bagong pelikulang ito ni Tita Alice Lake, na siyang tunay na pangalan ni Anita Linda.

Masuwerte tayo at may maganda na namang pelikula na iiwan siya sa atin.

GORGY RULA: Nabanggit noon ni Liza Diño—chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP)—na ang ibang pelikulang magiging bahagi sa pagdiriwang ng 100 Years of Philippine Cinema ay pagbibidahan ng magagaling na veteran stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang siguro rito ang CIRCA na pagbibidahan ni Anita Linda.

Kaya kaabang-abang ito sa darating na September na kung saan doon magsisimula ang naturang pagdiriwang.

Mabuhay para kay Anita Linda at sa iba pang beteranong artista na active pa rin sa movie and TV industry!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN