K Brosas, sinita ang uploader ng Chokoleit hospital photo

IMAGE K Brosas Instagram


GORGY RULA: May sinita na naman si K Brosas nitong nakaraang Biyernes ng gabi, March 22, na nag-post sa Facebook ng kuha ni Chokoleit sa ospital.

Baka nurse daw iyon sa ospital na pinagsuguran kay Chokoleit pagkatapos itong atakehin sa Abra.

Katatapos lang magalit ni K kamakailan sa isang netizen na nag-post ng health product kunsaan ginamit ang litrato ni Chokoleit na walang pahintulot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sana respeto na lang, di ba?” pakli ni K.

Kaya pinapatanggal din niya ang post na iyun.

Kaagad din namang kinuyog ng netizens ang nag-post kaya sana tanggalin na raw ito.

Siguro, last na yun, baka batukan na ako ni Chokoleit niyan!” sabi pa ni K nang nakasabay ko nitong Marso 23, Sabado, sa isang event sa Ormoc.

Ang hinihintay ni K ay magparamdam sa kanya ang namayapang kaibigan.

Hindi pa siya pumapasok sa panaginip ko.

Sana, magparamdam siya, pero huwag naman sana iyung nakakatakot,” napapangiti niyang pahayag.

Ang isang alaalang iniwan sa kanya ni Chokoleit ay ang tuta na ipinangakong ibigay sa kanya pagkapanganak.

Kaya ang kapatid na ni Chokoleit ang nagbigay sa kanya ng tuta na isang Lhasa Apso na pinangalanan niyang si Chokie.

Hindi raw gaanong mahilig mag-alaga ng aso si K, pero itong ibinigay sa kanya ni Chokoleit ay napamahal na sa kanya, at nami-miss na niya ito kapag may out of town shows siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginawan niya ito ng Instagram account, at nagulat siya, ang bilis dumami ang followers nito.

Kasi, ang dami naman talagang dog lovers dito sa atin, nagmi-message talaga sila sa aso, nakakaloka!” bulalas ni K.

JERRY OLEA: Nakakatuwa na may mabubuting kaibigan si Chokoleit na ipinaglalaban pa rin siya, at hindi papayag na yurakan o babuyin ang kanyang pagkatao.

Nakikini-kinita kong napapangiti nang pagkatamis-tamis si Chokoleit sa pagmamahal at pagmamalasakit sa kanya ng mga tunay na kaibigan.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN