Nora Aunor, Gloria Romero, di makakadalo sa 50th GMMSF awards night

IMAGE GMA-7 / Heaven's Best Productions


GORGY RULA: Hindi pala makakadalo si Nora Aunor sa awarding ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF) Box-Office Entertainment Awards ngayong Linggo ng gabi, Marso 24, sa Star Theater sa Pasay City.

Ang Superstar ang recipient ng Cora Samaniego Lifetime Achievement Award kung saan bibigyan din sana siya ng tribute, pati na rin sina Gloria Romero at Eddie Garcia.

Napag-alaman ng PEP Troika na isinugod sa Cardinal Santos hospital si Ate Guy kahapon ng madaling araw, March 23, dahil sa hindi na raw niya nakayanan ang sobrang sakit sa paa, at napakataas daw ng kanyang lagnat.

Sabi ng aming source, hindi lang daw sure kung dahil sa arthritis, pero hindi raw siya pinayagan ng doktor na lumabas ngayong araw.

Baka bukas pa raw siya ma-discharge ng hospital, kaya nanghinayang siyang hindi niya personal na matanggap ang naturang parangal.

Naghanda na raw sila ng dalawang gown na pagpipilian niya, at meron na siyang nakahandang speech.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasilip ko ang speech na babasahin niya.

Bahagi ng pasasalamat niya sa naturang award, “Hindi po ako perpekto ngunit sa kabila ng aking mga pagkukulang ay patuloy ninyong pinadarama ang inyong pagmamahal para sa isang Nora Aunor.

“At dahil sa pagmamahal na yan, nagiging mas makabuluhan ang parangal na kagaya nito.

“Dahil sa inyong pagtangkilik, patuloy din akong nagnanais pa na makagawa ng mga makabuluhang pelikula.

“Abangan niyo pa rin po sana ang susunod kong gagawin.

“Kung wala po kayo, lalo na ang aking mga Noranians, ay wala po ako rito.”

Ipapadala raw mamayang gabi sa Star Theater ang speech na ito para basahin na lang kung sino man ang tatanggap ng naturang award.

Napag-alamang nasa hospital din daw ngayon si Tita Gloria Romero, kaya hindi rin siya makakadalo sa awarding mamayang gabi.

NOEL FERRER: Award or no award, mananatili ang paghanga, paggalang at pagmamahal natin kina Ate Guy at Tito Gloria.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Congratulations sa kanila at sa mga nagsipagwagi sa Guillermo Mendoza awards.

JERRY OLEA: Get well soon, Ate Guy at Tita Gloria!

Dapat pag-ingatan nating lahat ang ating kalusugan.

Health is wealth indeed!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN