Christopher Roxas, bida na sa pelikula pagkatapos ng 31 taon

by PEP Troika
Mar 25, 2019
PHOTO/S: Christopher Roxas Instagram

GORGY RULA: Si Gladys Reyes pa ang mas excited nang pinili ang asawa niyang si Christopher Roxas na magbida sa pelikulang Tabon, ang first directorial job ni Xian Lim para sa Cinemalaya 2019.

Naka-text namin ang Kapuso actress kahapon, March 24, dahil tinanong ko siya kung nag-audition ba si Christopher para makuha ang role na iyun.

View this post on Instagram

Tabon..soon cinemalaya by direk @xianlimm with @asistioynna #grateful #livefulldieempty #familygoals #actorslife

A post shared by Christopher Roxas (@christopherroxas) on

“Hindi. Tinawagan siya ni Xian, kinukuha siyang bida sa first directorial job na pang-Cinemalaya.

"Noong una, di siya makapaniwala na siya ang naisip ni Xian na gawing bida.

"Nag-sink in sa kanya noong nagpa-sked na si Xian na mag-meet sila na parang storycon, then kinuha na schedule niya sa shooting.

“That was February, halos araw-araw, shooting.

"Happy si Christopher, parang di siya nakakaramdam ng pagod, lagi niyang ikinukuwento sa akin na ang ganda ng eksena,” text sa akin ni Gladys.

Noon pa kasi ay magkaibigan na sina Xian at Christopher dahil pareho silang mahilig sa vintage cars, at sa iisang gym sila nag-eensayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER: Clean cut na si Xian nang makita kong kasama ni Kim Chiu, papunta raw sila sa gym.

Excited na rin siya sa Cinemalaya film niya na kakaibang horror.

Sabi nga ay after about 31 years in the business, ngayon ay bidang-bida na si Christopher Roxas.

Of course, we know Gladys to have won her Urian Best Supporting Actress Award sa indie film na Magkakabaung (2014) kaya nagbukas ang isip niya sa paggawa ng mga mapanghamong mga papel — tulad ng ginagawa ng asawa niya ngayon.

Never stop learning! ‘Yan bale ang natutunan ng mag-asawang Gladys at Christopher sa pagpalaot sa independent cinema.

Hindi talaga pera-pera ang lahat!

JERRY OLEA: Papanoorin ko lahat ng entries sa Cinemalaya, para mapulsuhan ko kung deserving mag-best actor si Christopher, at kung kering best director si Xian.

Nakaka-excite, di ba, lalo’t ipagdiriwang natin ang 100 Taon ng Pelikulang Pinoy.

Sa Marso 28, Huwebes ng 3 P.M., ay ihahayag na ng FDCP ang unang tatlong official entries ng 3rd PPP (Pista ng Pelikulang Pelikula).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tama ang sabi ni Charo Santos na bida sa horror movie na Eerie, “These are exciting times for cinema!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Christopher Roxas Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results