Guesting ni Charo Santos sa GGV, panalo sa ratings

IMAGE Courtesy of ABS-CBN


JERRY OLEA: Winner! Waging-wagi ang guesting ni Charo Santos sa Gandang Gabi, Vice nitong Marso 24, Linggo nang gabi sa ABS-CBN.

Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, naka-12.9% ang GGV ni Vice Ganda, kontra sa 6.6% ng The Boobay and Tekla Show.

After 22 hours (as of March 26, Tuesday, 5 A.M.) na ma-upload sa YouTube channel na ABS-CBN Entertainment, lampas 600K views na ang videos ng interbyu ni Vice kay Charo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Labis na nakakaaliw ang pagbasa ni Charo ng MMK letter sa gay lingó:

“Dear Charo, itetch ang chika ko sa life, mama. Have akech ng jowabells. Borta ang lolo mo. At ang fez, nyorista ang peg.

“Career kung career mesh talaga sa kanyang best. Work-work-work para Janno Gibbs ng Andalusia kay kuya para buy-buy-buy siya ng kemberlou niya.

“Once upon a time, ang jowabells, missing in action sa balur. 48 years na wit pa rin kuma-come back ang otoko.

“May I search and rescue ang lola mesh hanggang sa huli ka balbon ng jowabells na kinikyeme ang kulakudidang na hitad.

“Award sila sa akin. Ang syosyopal ng fez! Crayola ever ang lola mo. Wit na. Di ko na keri.

“Brineyk ko na. Pero hanggang ngayon, ‘day, Bitter Ocampo pa rin akish.

“Mga bakla! Pagdating sa love, Luz Valdez ang emote ko.

“Pero keri ko lang. sabi ko, fight-fight-fight lang! Move on, move on din, vaklang ‘to! Pakak!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOEL FERRER: Napanood ko ito sa iWant at tunay ngang nakakaaliw kapag umaalis si Charo sa kanyang comfort zone and lets her hair down.

Bagay rin talaga siya sa comedy.

Kaya whether Sixty In The City ang gawin niya o ang napag-uusapang team-up nila ni Daniel Padilla, kayang-kaya niyang itawid iyan at pagwagian!

I’m just wondering, kapag pinapanood ba sa iWant, nakakadagdag ito sa data ng ratings?

On the other hand, paano naman ang The Boobay At Tekla Show o shows sa GMA-7 na gusto mong panoorin kung hindi mo man napanood nang orig viewing, saan kaya maa-access ang mga ito?

GORGY RULA: Nag-tweet si Vice Ganda ng “Ang Saya!!!” kasama ang resulta ng Kantar Media National TV Ratings ng National, Urban, Rural, Mega, at Metro Manila na may hashtag na #GGVMemeRable.

Sa susunod na Linggo ay mapanood na ang tungkol sa kanila ni Ion Perez.

Ma-maintain kaya nila ang mataas na rating o mabawi uli ng TBATS?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanggap daw kasi ng mga taga-TBATS na talagang may taglay na lakas si Madam Charo.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN