Jason Abalos, gusto nang magka-baby kay Vickie Rushton

IMAGE Noel Orsal / Instagram

GORGY RULA: Six years na ang relasyon nina Jason Abalos at Vickie Rushton.

Ang focus ngayon ni Jason ay ang future nila, kaya pinag-iipunan na niya ito.

Gusto na ni Jason na magka-baby sila, pero dapat kasal daw muna.

“Hindi na tayo bumabata, e. Para yung anak ko, kasama ko sa sports na ginagawa ko,” sabi ni Jason nang makatsika ng PEP Troika sa mediacon ng Kapuso teledramang Bihag nitong Marso 25, Lunes ng gabi, sa GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kailangan, after ng kasal bago tayo… sobrang conservative ng parents ni Vickie, e.”

Wala pa siyang masabi kung next year na ba ito, depende siyempre kung may masusungkit na title si Vickie sa Binibining Pilipinas.

Isa si Vickie sa malalakad sa 40 official candidates ng Binibining Pilipinas 2019.

JERRY OLEA: 100 percent ang suporta ni Jason kay Vickie kaugnay sa pagsali nitong muli sa Binibining Pilipinas beauty pageant.

“Mas lalakihan namin ngayon ang banners at tarpaulins!” natatawang sambit ni Jason.

Nakatulong sa relasyon nila ang paglahok ni Vickie last year sa timpalak.

Kuwento ng aktor, “May naging bonding kami. Kasi, iyong laban niya last year, minsan ako yung naghahatid sa kanya.

"‘Papa, kailangan ko ng ganito?’ ‘Sige, ako ang kukuha.’

“May mga kailangan siyang damit, ako yung kumukuha sa mga designer.

“Hanggang ngayon, ganun pa rin. Hanggang kaya ko.”

Hindi naman siguro siya matutulad kay Mark Herras...

“Ha! Ha! Ha! Ha! Huwag naman sana! Huwag naman sana, di ba? Huwag naman sana...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkahiwalay si Mark at ang GF na beauty queen, si Winwyn Marquez.

Co-stars sina Jason at Mark sa teledramang Bihag na magsisimula sa Abril 1, Lunes ng 4:15 P.M., sa GMA-7.

Nasa cast din nito sina Max Collins, Sophie Albert, Neil Ryan Sese, at ang child actor na si Raphael Landicho.

NOEL FERRER: Mataas ang standard na na-set ng ating Miss Universe Catriona Gray.

Bilang repeater, Vickie knows better now.

We only wish her the best in her new attempt for the Binibining Pilipinas crown.

As for Jason, good luck din sa bagong teleserye niya.

Ito ba ang papalit sa My Special Tatay na nag-last taping day na?

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN