Jessy Mendiola, lilipat nga ba ng GMA-7?

IMAGE Noel Orsal


GORGY RULA: Itinanggi ni Jessy Mendiola ang napapabalitang nakikipag-usap ang kampo niya sa GMA-7 para sa paglipat niya sa Kapuso network.

Ang duda kasi ng karamihan, may kinalaman sa isyung ito ang isang post niya sa Instagram na may caption na “old ending and new beginnings.”

Kaya sa mediacon ng pelikula nila ni Arjo Atayde na Stranded nitong Marso 26, Martes, nilinaw namin sa Kapamilya actress kung meron bang nakipag-usap sa GMA-7 o may alok sa kanyang maging Kapuso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Jessy, ”Para sa akin po, kung mas may trabaho naman po doon, bakit naman hindi, di ba?

“Pero for now kasi, I’m still in touch with ABS-CBN management.”

Aminado si Jessy na naiinip na rin siya dahil matagal na siyang hindi nabibigyan ng programa.

Pero ngayon daw ay meron na raw ibibigay sa kanya.

“Siyempre, naiinip po ako. Sino ba naman pong hindi?

“Pero kung naiinip ka man, e, di gumawa ka ng something productive o puwede mong kabisihan, like, ‘yan ang business o kung ano pang medium na puwede mong ipakita ang sarili mo,” nakangiti niyang sagot.

Kalu-launch lang daw ng online store niyang Señorita.

Iyon daw ang bagong pintong binuksan sa kanya, at pinagkakaabalahan niya ngayon bukod sa promo ng pelikulang Stranded na ipapalabas sa Abril 10.

NOEL FERRER: Makakatapat ba ng pelikula nina Arjo at Jessy ang pelikula nina JM de Guzman at Arci Muñoz na Last Fool Show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganoong limitado na ang audience sa sinehan, OK bang magtapatan ang halos magkaparehong hitsura ng dalawang pelikula?

Oh, well, let us see kung ano ang magiging resulta.

JERRY OLEA: Si Arjo Atayde, exclusively dating with Maine Mendoza.

Si Jessy, frozen delight sa Kapamilya Network, natsitsismis na lilipat sa Kapuso Network.

If ever, kanino ipa-partner ng GMA si Jessy? Kay Alden Richards? Oh, well...


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN