Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Migo Adecer, natulog sa loob ng kulungan

by PEP Troika
Mar 27, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

NOEL FERRER: So, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries and damage to property, and disobedience to person in authority ang StarStruck 6 winner at GMA-7 talent na si Migo Adecer.

Ayon sa police report, nasa impluwensiya raw ng alcohol si Migo nang mangyari ito.

Continue reading below ↓

May driver’s license ang aktor kung saan nakasaad na 25 years old daw ito, gayong 19 pa lang si Migo.

May disciplinary action kaya ang GMA-7 kay Migo, na kasali sa teleseryeng Sahaya ni Bianca Umali?

JERRY OLEA: Si Migo Adecer ba ang bagong Bad Boy ng Showbiz?

In fairness, lovable ang 19-anyos na si Migo nang mainterbyu ko sa look test at storycon ng pelikulang Black Lipstick, noong Marso 17, Linggo, sa The PARC Foundation, Lt. Artiaga St., San Juan City.

Masarap siyang kausap. Hindi showbiz ang dating.

If ever, pwede siyang magbida sa remake ng action movie na Baby Ama?! O kung kasama ang ibang hunks, pasok si Migo sa remake ng Bilibid Boys!

GORGY RULA: Ayon sa ilang napagtanungan ko, umabot ng madaling-araw na nasa kulungan si Migo.

Inilabas na lang nang inayos na ang pag-inquest sa kanya na nakatakda ngayong araw.

Hindi pa raw sure kung makakalabas siya ngayon.

Continue reading below ↓

Takot na takot daw ang young actor nang magdamag siyang nasa loob ng kulungan na nakahiga sa karton.

Alalang-alala ang magulang ni Migo na nasa Australia. Hinihintay pa natin ang pahayag ng GMA Artists Center at GMA-7 kaugnay rito.

Read Next
Read More Stories About
Migo Adecer, GMA-7, Sahaya
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results