Inagaw Na Bituin ng GMA-7, malapit nang tapusin?

IMAGE Noel Orsal

JERRY OLEA: After Kambal Karibal, naunahan ni Kyline Alcantara si Bianca Umali na magkaroon ng sariling teledrama, ang panghapong Inagaw Na Bituin.

Kasama ni Kyline si Therese Malvar bilang kontrabida sa Inagaw Na Bituin.  

Ang teleserye ni Bianca na Sahaya, kasama pa rin ang ka-love team niyang si Miguel Tanfelix, ay nasa prime-time block ng GMA-7. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago ito ay tatlong series na ang pinagbidahan ng BiGuel kabilang ang Once Upon A Kiss, Wish I May, at Kambal Karibal

Hirit ng sunflowers, may launching movie na si Kyline, ang Black Lipstick.

Nalampasan na ni Kyline ang “karibal” na si Bianca?!

“I’m not here to compete with anyone po,” safe na hirit ni Kyline nang matsika ko sa storycon ng Black Lipstick, noong Marso 17, Linggo, sa The PARC Foundation, San Juan City.

“Kumbaga, I’m just here to focus sa sarili ko po.”

Maliban sa Inagaw Na Bituin ay may dalawa pang TV show si Kyline sa Kapuso Network, ang Studio 7 at Sunday PINASaya.

OK lang sa kanya kahit hindi siya magkandaugaga minsan sa schedule sa dami ng ginagawa niya.

NOEL FERRER: Bagama’t hindi pa kami nagkakakilala ni Kyline, dahil hindi pa nagtatagpo ang aming landas.

Muntik na last Sunday dahil kapapanalo niya ng award sa Star Theater, na kalapit ng Cultural Center of The Philippines (CCP) kung saan naman ako nanggaling para sa Tales of the Manuvu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis ang pag-ilanlang, pero parang hinog sa pilit?

Dahil may balitang cut-short sa 10 weeks na lang ang Inagaw Ang Bituin.

With all the hype about Kyline, parang hindi ito nasusuportahan ng ratings.

Balitang tatapusin na agad ang kanyang teleserye. Ano ang balita mo rito, Tito Gorgy?

GORGY RULA: Ay! Malapit na bang matsugi ang Inagaw Na Bituin?

Kung totoo ito, baka itong sinisimulan na nilang teledrama na may tentative title na Blood Money ang ipapalit.

Bida sa Blood Money sina Rocco Nacino at Sanya Lopez, kung saan kinuha rin nila si Sandy Andolong kahit may sitcom ito sa ABS-CBN.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN