Migo Adecer, hindi papalitan sa movie kasama si Kyline Alcantara

IMAGE Instagram

JERRY OLEA: Sa Abril 9 pa sa Angeles City, Pampanga ang first shooting day ng launching movie ni Kyline Alcantara na Black Lipstick.

Kasama pa ba rito si Migo Adecer bilang love interest ni Kyline? O papalitan si Migo matapos itong humimas ng rehas na bakal?

“Kasama pa rin si Migo!” sabi ng line producer na si Dennis Evangelista nang uriratin ko sa Facebook Messenger, nitong Marso 28, Huwebes nang hapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May kasalanan siya pero nakakaloka lang, parang nakapatay ang bagets. Nagmukha siyang kriminal, eh hindi naman dapat.”

Sa Kapuso teleseryeng Sahaya, bongga pa rin kaya ang role ni Migo? O tatanggalin na ito sa cast?

Basta, nabalitaan ko na nagkainteres ang isang kilalang movie producer na ikontrata si Migo at pagbidahin sa pelikula!

NOEL FERRER: Let him sort out his life muna siguro.

Kahit mga kasamahan natin sa trabaho tulad ni Isah Red ay naaangasan at naaastigan kay Migo.

GORGY RULA: Sabi ng isang taga-GMA Artist Center, iba kasi talaga ang kultura ni Migo, bilang lumaki siya sa Australia.

Pero nag-a-adjust naman ang 19-year old actor.

Ngayon lang niya naranasan ang ganoong insidente, kaya hindi niya ito na-handle na mabuti.

Naaliw ako sa karakter niyang angas-angasan, kaya okay lang sa akin iyun.

Basta, huwag lang siyang mag-drugs!

Saka bago na-release si Migo sa police headquarters kagabi, humingi siya ng paumanhin sa mga pulis na pinakitaan niya ng di maganda, pati sa dalawang taga-MMDA na nasagi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa na lang ang kaso ni Migo, dahil hindi na itinuloy ng complainants ang kasong Reckless Imprudence.

Ang hinaharap na lang niyang kaso ay ang Simple Disobedience to an Agent of a Person in Authority.

Text sa akin ng abugado ni Migo na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, “Wala pong na-file na Reckless Imprudence.

“Yung MMDA employees sa Fiscal, kasi nga po, they decided na mag-execute na lang ng release, waiver and quitclaim in favor of Adecer.”

Kaya PHP3,000 lang ang piyansa sa isang kasong iyun.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN