Sylvia Sanchez, nagpapatulong sa OWWA na mahanap ang amang taga-Brazil

IMAGE Gorgy Rula

GORGY RULA: Nag-story conference nitong Marso 28, Huwebes, ang bagong advocacy movie para sa OFWs, na binubuo ni Direk Neal 'Buboy' Tan sa tulong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Nasa OWWA pa noon si Arnelli Ignacio bilang deputy administrator nang simulan nila ni Direk Buboy ang usapan sa naturang proyekto. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinuloy na nila ito ngayon sa tulong ng bagong OWWA deputy administrator na si Hans Leo Cacdac.

Pawang positibong kuwento hango sa tunay na buhay ng OFWs ang ilalahad sa pelikula.

Limang kuwento ang mapapanood sa pelikulang ito na pagbibidahan nina Sylvia Sanchez, Rafael Rossel, Kakai Bautista, Christian Vazquez, at Dianne Medina.

Si Arnell ang magna-narrate ng bawat episode.

NOEL FERRER: Malaking source of income ng ating bansa ay mula sa remittance ng OFWs, kaya napapanahon itong project na ito para ipakita ang pinagdaraanan nila.

Tama nga—kadalasan ay tragic at nakakalungkot ang pagsasabuhay sa kuwento ng OFWs—malaking breather kapag inspiring stories ang kanilang ipapakita.

Sana, tangkilikin ito ng ating mga kababayan kapag naipalabas na.

GORGY RULA: Nakausap namin si Sylvia pagkatapos ng story conference na ginanap sa OWWA building sa F.B Harrison St., Pasay City. 

Malaki ang pasasalamat ni Sylvia na napunta sa kanya ang project na ito dahil gustung-gusto niyang gampanan ang role ng isang domestic helper.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang isa pang ikinatuwa ni Sylvia sa proyektong ito, nagkaroon siya ng pag-asang makita muli ang kanyang tunay na ama na hindi niya nakikita mula pa noong siya ay Grade 5.

Pahayag ng Kapamilya actress, “Noong Grade 5 ako, iyon ang last naming pagkikita.

"Hanggang ngayon hina-hunting ko siya sa Facebook, hindi ko talaga siya makita.

"Saka pare-pareho ang pangalan, marami.

“Ngayon ang gusto ko lang, sabi ko kay Arnell, may nagsasabing buhay, may nagsasabing patay.

"Sabi ko sa kanya, 'Gusto kong makita ang tatay ko.' Yun yung part ng puso ko na may kulang, e.

"Alam mo iyon, kahit gaano ka ka-successful, kulang, e.

"Longing ako sa tatay ko. Tatay ko lang iyong makapagpuno sa kaligayahan kong naramdaman.”

Ang pangalan ng tatay ni Sylvia ay Roberto Lagura Campo.

Ang nakuha lang niyang impormasyon ay naninirahan na ang kanyang ama sa Rio de Janeiro, Brazil. Mayroon daw asawang Brazilian at dalawang anak ang kanyang ama roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nalaman raw ni Sylvia sa mga taga-OWWA na tumutulong sila sa mga OFW sa paghanap ng mga mahal nila sa buhay na matagal na nilang hindi nakikita o nakakausap.

Iyon ang ipinangako sa kanya ni Arnell—na tutulungan siyang makita ang ama ng aktres dahil ang dami na nilang na-resolve na ganoong kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kanina, noong nabanggit iyan, sabi ko sa isang taon ko dito sa OWWA, mukhang na-master na namin ang mga ganyang misyon, at marami-rami na rin kaming nahanap," lahad ni Arnelli. 

“Ang galing kasi ng mga nakatalaga na mga tao natin abroad.

"Yung mga yan, matagal nang nandiyan, magagaling yan.

“So, tingin ko, magawan namin ng paraan na matagpuan namin iyong Papa ni Sylvia."

Hindi napigilan ni Arnell na maluha dahil na-touch siya sa kuwento ni Sylvia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa parte ni Sylvia, kung sakaling patay na ang kanyang ama ay nais pa rin niyang mapuntahan ang libingan nito at makilala ang dalawa niyang kapatid sa ama. 

“Gusto kong makita, buhay o patay. Kung patay man, gusto kong makita yung libingan para meron akong closure, meron akong peace of mind as anak.

“Ang kailangan pa na closure ko rito, ang nanay. Kasi, iyong nanay ko, hanggang ngayon, umaasa," paliwanag ni Sylvia. 

Madamdaming pahayag pa niya: “Kaya nga sinasabi ko, lahat, may rason. Kaya siguro ibinigay sa akin ito ng Diyos, kasi, ito iyong walang closure sa buhay ko.

“Ito yung hanggang ngayon, empty ako.

"So, sabi ko, hindi kaya ito iyong reason? Kasi matagal ko nang hinahanap iyong tatay ko, hindi ko mahanap.

“Kung kailan na yung hindi na ako naghahanap, biglang ngayon, tinanggap ko itong project, sila mismo ang nagsabi sa akin na, ‘Hanapin natin yung tatay mo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, lahat talaga, may rason sa mundong ito. Ibang klase talaga ang Diyos." 

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN