Maymay Entrata, pasok sa movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards

IMAGE Noel Orsal / @kapusoprgirl Instagram


JERRY OLEA: Kasama si Maymay Entrata sa KathDen movie na magsusyuting sa Hong Kong. 

Ito ang Kathryn Bernard-Alden Richards starrer na ihuhulma ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina.

“Ang movie po ni Miss Kathryn Bernardo at si Sir Alden! Whoa! Makakasama po ako do’n!” tuwang-tuwa at ligalig na ligalig na tili ni Maymay. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base ito sa video na pinost sa Facebook ni Roxy Liquigan ng ABS-CBN Star Music, nitong Marso 28, Huwebes ng gabi.

Kahit na nagkatrabaho na raw sila noon ni Kathryn sa defunct ABS-CBN prime-time series na La Luna Sangre, sinabi ni Maymay na iba pa rin na makasama niya ito sa pelikula. 

“Sobrang excited na ako dahil kakaiba yung story nila. Tapos, kakaiba yung support ko kay Miss Kathryn.

“Kahit nag-support na po ako talaga sa La Luna, pero nae-excite pa rin ako dito sa coming movie ni Miss Kathryn Bernardo.”

Sa pagkakaalam ni Maymay ay three weeks siya sa Hong Kong para sa shooting ng movie doon.

“Kaya naman po! Mabait naman po yung cast po. At saka si Direk Cathy, maraming salamat din po, Ma’am!

“Kung isa man po kayo sa sumang-ayon na maging parte ako ng cast ninyo, maraming salamat po!

“Talagang napakalaking oportunidad po ito. Thank you! Thank you po!” maigting na bulalas ni Maymay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pangiti-ngiti lang si Maymay nang sabihan siya na mami-miss niya ang ka-loveteam na si Edward Barber.

Nang uriratin ang dalaga kung dadalaw ba sa kanya si Edward sa Hong Kong, pangiwi-ngiwi lang ito.

GORGY RULA: Kagabi lang ay kausap ko si Benjie Paras, sinabi niyang hindi siya sure kung sa KathDen movie siya kasali.

Wala pa raw kinu-confirm sa kanya kung aling movie ni Direk Cathy Garcia-Molina siya isasali.

Kaya mas mabuti siguro na hintayin na lang ang official announcement ng Star Cinema kung sinu-sino na talaga ang bubuo ng cast ng proyektong ito.

As of now, wala pa rin daw silang na-finalize na title kaya Kathryn-Alden 2019 lang muna ang working title nila.

NOEL FERRER: May working permit na ang alaga naming si Joross Gamboa.

At mukhang sa halip na mag-Korea kasama si Sandara Park at ang pamilya niya, sa Hong Kong na lang susunod ang mag-anak ni Joross para makasama niya sa Holy Week break.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mukhang maganda talaga ang samahan ni Joross sa KathNiel mula nang nagkatrabaho sila sa La Luna Sangre.

But this time, kay Alden nakakabit ang karakter ni Joross sa pelikula.

Maganda rin na kasama si Joross habang nagka-countdown sa mga natitirang gagawing pelikula ni Cathy Garcia-Molina bago ito tuluyang magretiro bilang director.

Hindi naman kaila na si Joross ang lucky charm, pampagaan, at pampasaya sa set.

Ngayong idinagdag si Maymay ay riot nang talaga!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN