Rafael Rosell, pursigidong maisabatas ang legalization ng medical marijuana

IMAGE Gorgy Rula


GORGY RULA: Ang Kapuso actor na si Rafael Rossel ang isa sa pursigidong maisabatas ang medical marijuana sa ating bansa.

Nakausap ng PEP Troika si Rafael nitong Marso 28, Huwebes, sa story conference ng film project na OFW The Movie.

Nabanggit niyang miyembro siya ng nabuong grupong Philippine Cannabis Compassionate Society (PCCS).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang layon ng PCCS ay ma-educate ang mga tao kung gaano ka-effective ang marijuana sa sakit na cancer, at iba pang karamdaman.

Nahihirapan silang maiparating ito sa lahat dahil ang unang nasa isip agad ng mga tao, adik ka kapag gumagamit ng marijuana.

“Ang lakas ng resistensiya talaga, ang hirap.

“We’re losing patience at maraming pasyente na nakapila talaga dahil alam nila na effective talaga,” himutok ni Rafael."

Dagdag niya, “May mga testimonies na sila, research abroad, studies abroad, scientific evidence na hindi siya dapat sa schedule 1 drug.

“Yung schedule 1 drug kasi is highly addictive at walang health benefits.

“Ngayon, sa ilalim ng category na yun is alcohol at cigarettes dapat.

“Wala namang medicinal benefits yung alak at yosi, pero legal siya. 

"E, ito, wala pang namamatay from direct overdose,” dagdag na pahayag ng aktor.

Naranasan na kasi ito ng kanyang ina at iba pang nakilala niyang gumaling sa marijuana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya namin pinu-push ito dahil may mga testimonies kami.

“My mother is one of them na gumaling sa kanyang thyroid cancer stage 4 terminal B.

“So, maraming makikinabang talaga dito.

“Pero yung resistance talaga comes from yung matatalo sa profit—like pharmaceuticals, tobacco, alcohol—at naiintindihan namin iyan,” saad ni Rafael.

Sana, maintindihan daw ng lahat ang tungkol sa marijuana, hindi yung ideyang illegal drug ito.

"Para maiparating na rin daw sa gobyerno at mabigyan ng desisyon na ma-legalize dito sa atin o hindi.

"The more we talk about it, the more we make it common knowledge sa mga tao na medisina siya, hindi siya droga.

"I think mas lalawak din iyung pag-iisip ng gobyerno tungkol sa medisinang ito," patuloy ng Kapuso actor.

NOEL FERRER: Kung medical marijuana ang sagot at lunas sa mga sakit, basta ba may safeguards para hindi maabuso, kailangan nang umusad papunta sa legalization.

Pero kung ibang drugs din lang, kailangang pag-ingatan ito lalo pa’t mainit ang mata ng batas sa celebs na gumagamit ng bawal na gamot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya sang-ayon din ako sa mandatory drug testing sa network talents katulad ng utos ng PDEA para kung may paglabag man—o napatunayang gumagamit ito habang nakakontrata sa isang network—ay puwede itong ma-sanction nang may epekto sa kanilang kabuhayan.

Nakakalungkot lang na kailangang humantong sa ganitong measures para magtanda ang ibang mga tao.

JERRY OLEA: Sana, tumulong ang ibang sikat na celebrities na naniniwala sa maitutulong ng medical marijuana sa pagpapalaganap ng awareness tungkol dito.

Marami-rami silang local celebrities na nakagamit ng marijuana, at maayos pa rin ang lagay nila.

Kaya lang, baka bawal iyon sa mga napirmahan nilang kontrata, o ayaw ng management nila.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN