Agsunta, nagbabalik pagkatapos "ma-disband"

by PEP Troika
Mar 29, 2019

GORGY RULA: Napag-uusapan ng mga mahihilig sa music ang pagbabalik ng bandang Agsunta.

Kung naalala ninyo, noong nakaraang taon ay nagkaroon ng isyu ng pangongopya sa Agsunta na naikonek sa pagpaparinig ni Zel Bautista ng December Avenue sa Twitter.

Nag-react dito ang ilang OPM singers at nagbigay rin sila ng kanilang komento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang kumampi sa Agsunta, pero umani rin sila ng matinding bashing dahil sa isyung yun, hanggang sa naglabas ang naturang banda ng "signing off" announcement noong January 30, 2019.

Ang daming nag-react at nanghinayang dahil magaling ang naturang banda.

Pero walang makapagsabi kung disbandment ba ang ibig sabihin nito o pahinga lang muna.

Noong March 22 ay lumabas sa YouTube ang teaser ng pagbabalik ng Agsunta sa March 29.

Tama!

Kaagad nag-trending ngayong araw, March 29, ang pagbabalik ng banda sa kanilang awiting "Bagong Umaga."

Nasa Spotify na kaninang hatinggabi ang naturang kanta na, sabi ng fans nila, tamang-tama lang sa kanilang pinagdaanan ang linya ng awiting ito sa kanilang pagbabalik:

“Unti-unting bubuuin ang pag-ibig na nawalay sa ‘kin. Iingatan na ang puso ko sa sakit na dala ng mundo.

“Dumating na ang umaga, ako ngayon ay masaya.”

Di ba, nag-perform, Sir Noel, ang December Avenue noong nakaraang Pinoy Playlist?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayong taon kaya ay imbitado rin ang Agsunta?

NOEL FERRER: Open na open ang 2nd Pinoy Playlist musicfest sa Agsunta.

Sa mga kaibigan kong nagtuturo sa St. Benilde, kilala silang mahusay at laging nagpe-perform kapag special occasions.

Nagkaproblema lang yata sa copyright ng kanilang covers.

Kaya naging purging at paglilinis talaga ng kanilang sistema ang nangyari nang maayos nila ang kanilang catalogue.

Excited ako sa kanilang pagbabalik!

At dahil collab ang theme ng Pinoy Playlist sa taong ito, puwede bang mag-level up at mag-collab sila ng December Avenue?

Naku, aabangan iyan!!!

JERRY OLEA: Nag-crowd sourcing ang organizers ng 6th Lubao International Balloon & Music Festival para sa mga gustong mapanood ng mga tao sa nasabing event na gaganapin sa Abril 5-7 sa Pradera Verde, Lubao, Pampanga.

Pasok sa banga ang December Avenue!

Magtatanghal sa unang gabi, Abril 5, Biyernes, ang December Avenue.

Kasama nila ang Ben & Ben (na importante ang papel sa 3rd PPP official entry na LSS: Last Song Syndrome), pati sina Juan Karlos “JK” Labajo at I Belong To The Zoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pasiklab!

Performers sa Abril 6, Sabado, sina Gloc 9, Shanti Dope, Al James, at apl.de.ap.

At sa huling gabi, Abril 7, Linggo, idinagdag si Vice Ganda kina Bamboo, Moira at This Band (nagpasikat ng Kahit Ayaw Mo Na, na ginamit ni Dante Gulapa sa flying eagle dance).

Nag-perform sa unang Pinoy Playlist sina Gloc 9, Shanti Dope, Ben & Ben, at December Avenue.

Wish ko lang na nasa 2nd Pinoy Playlist sina JK, Bamboo, Moira, Vice, This Band, at apl.de.ap!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results