Direk Erik Matti, welcome sumali sa Pista ng Pelikulang Pilipino

Direk Erik Matti, welcome sumali sa Pista ng Pelikulang Pilipino
by PEP Troika
Mar 29, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Inihayag ang first three official entries ng 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino nitong Marso 28, Huwebes, sa Gloria Maris, Gateway Mall, Araneta Center, Quezon City.

Ang mga ito ay nasa “advanced stage of development or production”:

Una... Cuddle Weather ni Rod Marmol, na naghahanap pa ng lalaki at babaeng bida na gaganap bilang sex workers.

Matindi ang pokpokan dito. Tutusok sa diwa ng mga marupokpok.

Millennial version ba ito ng Live Show ni Direk Jose Javier Reyes?

Ikalawa... LSS (Last Song Syndrome) ni Jade Castro, bida ang magsyotang Khalil Ramos at Gabbi Garcia.

Kasama sa cast ang Ben & Ben, at integral sa istorya ang sampung kanta nila rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At ikatlo... The Panti Sisters na dream project ni Perci Intalan, kung saan magkakapatid na bakla ang papel nina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin del Rosario.

Family comedy ito, kung saan pinaghalo ang Die Beautiful at Tanging Yaman.

View this post on Instagram

??????????????????????????????????????????????????????????????

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Ang mga gusto pang lumahok na finished films, o nasa post-production na, ay dapat i-submit on or before May 31.

Ihahayag ang lima pang finalists ng 3rd PPP sa Hunyo.

Welcome bang sumali si Direk Erik Matti?

“Of course!” mabilis na tugon ni FDCP Chair Liza Diño-Seguerra.

“Actually, nag-send na siya ng letter of intent sa amin. So, excited kami.

"Kasi alam naman natin, si Direk Erik, pagdating sa mga genre, that’s his forte.

“And I think, ahh... in terms of it, di ba, siya... horror, action... I mean, he gives us that kind of flavor, and PPP needs that.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER: Masaya ako para sa PPP dahil nagwo-work na rin sa kanila ang process ng MMFF na two-pronged ang submission.

Una, script muna; then, ang finished film.

Sana lang, magkaroon din sila ng healthy partnership with the theaters para ma-keep ang PPP entries sa theaters sa mas mahabang panahon.

Any move that will help our industry, we will always support!

GORGY RULA: Sana, makapasok ang entry ni Direk Erik. Tiyak na maganda naman ito.

Baka lalo pang lumala ang isyu nila ni Liza kung maitsapuwera ito.

Mas exciting itong ngayong taong PPP.

Last year pa sinasabi ni FDCP Chairperson Liza Diño na talagang kakaiba at sasalain nila nang husto ang mga kalahok dahil sa 100 Years of Philippine Cinema.

Pawang magaganda ang inihahanda nila sa mga darating na filmfests, pero kumusta na ba ang mga pelikulang nag-showing noong Miyerkules?

Unti-unti na bang bumabalik ang interes ng mga manonood sa mga pelikula natin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parang inaabangan na kasi nila ang Avengers: Endgame sa Abril 24, e.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results