Bihag, "inagawan" ng timeslot ang Inagaw Na Bituin

IMAGE GMA Network / Noel Orsal

GORGY RULA: Mag-uumpisa sa Lunes, Abril 1 ng 3:25 P.M., ang bagong afternoon drama ng GMA-7 na Bihag, tampok sina Max Collins, Mark Herras, Jason Abalos, at Sophie Albert.

Magpapanood ito pagkatapos ng Dragon Lady, na susundan ng Inagaw Na Bituin nina Kyline Alcantara at Teri Malvar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi ng taga-Entertainment TV ng GMA-7 sa PEP Troika ang napabalitang tatapusin na ang Inagaw na Bituin.

Nakipagpalit ng timeslot ang Inagaw Na Bituin sa Bihag.

Abangan na lang natin kung alin sa tatlong teleseryeng ito ng GMA-7 ang mangunguna sa ratings.

JERRY OLEA: Kadenang Ginto ng ABS-CBN ang katapat ng Inagaw Na Bituin mula nang umere ito noong Pebrero 11.

Los Bastardos ang kalaban ng My Special Tatay na nagtapos nitong Marso 29, Biyernes.

Umpisa April Fools’ Day, Lunes ng hapon, isasabong ng GMA Network ang Bihag sa Kadenang Ginto.

Inagaw na timeslot ba ito?! O mas magniningning sa ratings ang Inagaw na Bituin kontra sa Los Bastardos?

NOEL FERRER: Naiintindihan ko ang kalakaran na kapag nagre-rate, either tatapusin ang 13 weeks o ie-extend.

At kung hindi nagre-rate, isu-shorten to 8 or 10 weeks to cut losses.

Sana, mas maging successful pa at magtatak ang ating mga napapanood na teleserye.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN