JM de Guzman, napagkamalang bading ni Arci Muñoz

IMAGE Jerry Olea


JERRY OLEA: Walang malisya o pagnanasa si Arci Muñoz kay JM de Guzman, na classmate niya wayback 2005 sa UP Diliman, kung saan parehong Theater Arts ang kurso nila.

Chubby-chubby pa noon si JM.

“May girlfriend po si JM noon,” seryosong pasakalye ni Arci sa presscon ng summer movie nilang Last Fool Show nitong Marso 30, Sabado, sa Tipsy Pig, Timog Avenue, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Saka ano pa po ako noon, sobrang focused po ako na makatapos ng school ko.

“Kasi, sobrang strict din po yung parents ko regarding sa mga ganoong matters na going into relationship at a very young age.

“So, hindi ko po talaga naiisip. So, si JM po, isa po siya sa pinaka-close ko na guy.

"Pero akala ko po noong mga panahong iyon, bading siya.

“Kasi po, wala pong pumapasok sa teatro na lalaking tunay!” natawang bulalas ni Arci na napayuko.

Natawa rin si JM.

Pagpapatuloy ni Arci, “Sila po ang nagpasok sa isip ko, yung mga tao sa teatro nang nandoon kami.

“Sabi nila, ‘Siguro, bading si JM. Kasi, alangan namang siya lang ang lalaki rito.’ Ganun.

"‘Lalabas din ‘yan. Mag-a-out din ‘yan. Hintayin lang natin.’ Ha! Ha! Ha!”

Paglilinaw ni JM, “Dalawa lang kami sa batch namin na straight. Lahat, puro babae... puro...”

Sambot ni Arci, “Kaya hindi ko rin siya ikinunsider na ano... na baka puwede kong dyowain.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Grabe ka, ano,” mahinang sambit ni JM.

NOEL FERRER: Sana kumita ang pelikulang ito nina JM at Arci kahit medyo matamlay pa rin ang audience sa box office.

At ano kaya ang masasabi ni JM sa panukalang gawing mandatory sa mga network ang drug testing?

Marahil, matinding control ang kailangan talaga at ibayong disiplina para hindi na siya bumalik sa dati niyang gawi.

GORGY RULA: Mabuti na lang at hindi kayo nagulat sa ganda ni Arci ngayon!

Parang wala kasing nabago sa mukha niya, e. Parang well-rested lang siya kaya ang fresh ng dating.

Si JM, ang laki ng ipinagbago at bumalik ang dating kakisigan.

Kasi, puwede siyang bigyan uli ng magandang film project na posibleng pagsamahan nila ni Jessy Mendiola.

Nang tinanong kasi si Jessy sa mediacon ng pelikula niyang Stranded kung okay lang bang makatrabaho niya uli si JM, okay na okay raw siya.

“Ako po, willing po ako, e. Pero siya po yata ang hindi. Baka hindi pa po siya ready.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, okay lang po sa akin yun. Basta trabaho, okay lang,” sabi ni Jessy sa amin.

Parehong sa Abril 10 ang playdate ng Stranded at Last Fool Show.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN