Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Rita Daniela, puring-puri ni Direk Joel Lamangan: "Mahusay umarte!"

by PEP Troika
Mar 30, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Excited si Direk Joel Lamangan na idirek si Rita Daniela sa pelikulang In The Name Of The Mother, na magpi-first shooting day sa Abril 4, Huwebes.

“Mahusay kasi siya talaga,” palatak ni Direk Joel nang makatsika ko sa storycon ng movie nitong Marso 30, Sabado, sa Salu restaurant, Sct. Torillo St., Quezon City.

“Nakatrabaho ko na siya sa musical na Maynila sa mga Kuko ng Liwanag. Mahusay umarte!

“Walang attitude. Mahusay!”

Continue reading below ↓

Naku! Baka may attitude na ngayon si Rita dahil sumikat ito sa teleseryeng My Special Tatay!

“Wala! Hindi puwede sa akin ang may attitude, ‘no?!” maigting na bulalas ni Direk Joel.

Isa pang dahilan kaya gustong suportahan ni Direk Joel si Rita ay dahil apo ito ng komedyanteng si Teroy de Guzman (1924-1990).

“Nakasama ko noon si Teroy sa isang comedy show,” pagbabalik-tanaw ni Direk Joel.

“Ano ba ang title nun? Cara y Cruz! Ako yung binabatuk-batukan ni Teroy! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Pababatukan ba niya si Rita sa movie?

“Ay, hindi naman!” bulalas ni Direk Joel.

“Bongga ang role niya. Anak siya ni Snooky [Serna]. Inaway-away niya si Snooky.”

Ang unang screen name ni Rita Daniela ay Rita Iringan. Kapagkuwan ay naging Rita de Guzman siya, hanggang maging Rita Daniela.

NOEL FERRER: Let’s give credit where credit is due.

Nakatulong kay Rita ang My Special Tatay sa kanyang pag-ilanlang sa paggawa ng ibang project.

Continue reading below ↓

Mahusay rin siya sa APO Musical kaya ito na ang panahon ni Rita.

GORGY RULA: Matiyaga si Rita Daniela, at dumating na ang tamang panahon para sa kanya dahil sa My Special Tatay.

Nakailang palit siya ng pangalan, at ngayon lang siya napansin.

Ang layo na noon ng agwat sa kanya ni Julie Anne San Jose na kasabayan niya sa grupong Sugarpop ng defunct Sunday musical-variety show na SOP, di ba?

Pero ngayon ay masuwerteng kinagat ang tandem nila ni Ken Chan sa My Special Tatay na dapat si Arra San Agustin ang ka-partner doon ni Ken.

Pag para sa ‘yo, sa ‘yo talaga.

At least, nagbunga na ang lahat ng hirap at pagtitiyaga ni Rita.

Kaya na ba niyang lagpasan si Julie Anne na lalong sume-sexy?

Kaya rin kaya ni Rita ang pagpapa-sexy ni Julie Anne na ipinu-post sa Instagram?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results