Maricel Soriano, naungusan na ni Snooky Serna?

IMAGE Noel Orsal


JERRY OLEA: Si Zsa Zsa Padilla ang first choice ng mga taga-Heaven’s Best Entertainment para magbida sa pelikulang In The Name Of The Mother.

Nang malaman ng mga taga-produksyon mula sa handler ni Zsa Zsa kung gaano ito ka-busy, hindi na nila in-offer dito ang role.

Agad naisip ng mga taga-produksiyon si Snooky Serna.

Umayon agad si Direk Joel Lamangan nang sabihin ito sa kanya.

Ikinunsidera ba nila si Maricel Soriano para sa role?

“Ay! Ayaw ng line producer!” mabilis na bulalas ni Direk Joel nang makatsika ko sa storycon ng movie nitong Marso 30, Sabado ng hapon, sa Salu, Sct. Torillo St., Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Maricel ang first choice para gumanap na pangalawang anak nina Eddie Garcia at Gloria Romero sa Rainbow’s Sunset, na idinirek ni Joel Lamangan para sa Heaven’s Best.

Ang hininging talent fee ng kampo ni Maricel ay mas malaki pa sa buong production budget, kaya pinalitan ito.

Ang ipinalit ay si Aiko Melendez, na nakadalawang best supporting actress trophy para sa nasabing role.

Na-revive ang rivalry nina Maricel at Soriano dahil suporta sila sa magkalabang primetime show sa TV.

Nasa The General’s Daughter si Maricel, samantalang nasa Sahaya si Snooky.

“Naunahan na ni Snooky si Maricel. Wala nang solo si Maricel!” bulalas ni Direk Joel na tumikwas ang kilay.

Naku! Di ba, may movie si Maricel with Martin Nievera? Meron din with Vice Ganda?

“Kailan? Saan?” maigting na sambit ni Direk Joel.

So, natakot silang mag-offer kay Maricel dahil sa budget.

Kung merong magpi-finance at perfect kay Maricel ang role, lalapit ba sila rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo! Kaibigan ko siya, e,” mabilis na tugon ni Direk Joel. “Ang tawag sa akin niyan, Tiya Loleng.”

Gusto pa ring idirek ni Joel si Maricel.

Sabi pa ni Direk Joel, “Type ko yun. Mahal ko yun... Nagiging kamukha na siya ni Charito Solis...”

NOEL FERRER: May It’s Showtime at ASAP Natin ‘To plus a US tour si Zsa Zsa kaya hindi umubra amg schedule na ang hahabulin ay ang May 31 deadline ng submission ng finished films for the 3rd Pista Ng Pelikulang Pilipino.

OK naman si Snooky to star in this project. OK din naman si Maricel.

Si Dina Bonnevie, hindi ba nila ikinunsidera?

Ang hindi ko napansin ay si Tony Mabesa na signature talent ni Direk Joel.

Dahil ba sa nagka-award siya bilang best supporting actor sa MMFF ay hindi na siya puwedeng mag-cameo? I doubt!

GORGY RULA: Talagang pilit na pinapainit ang tapatan nina Snooky at Maricel Soriano, tahimik lang naman ang huli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa The General’s Daughter si Maricel, at nagtatrabaho lang siya.

Hindi nagkakaroon ng pagkakataong ma-interview si Maricel para sagutin ang pilit na pinagsasabong sila ni Snooky.

Pero maingat si Snooky sa pagsagot sa isyu nila ni Maria dahil baka isipin pa raw na ginagamit ito para lang mapag-usapan siya.

Alam daw niyang wala kay Maricel iyan, at tapos na raw ang kumpetisyon sa kanilang dalawa.

Siguro, tama na iyang tapatan nilang dalawa, dahil si Snooky lang naman ang madaling ma-interview.

Hindi mahilig magpa-interview si Maricel.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN