Christopher, Nora, Tirso magkakaroon ng reunion movie?

IMAGE Noel Orsal


JERRY OLEA: Pasiklab ang pelikulang Mahal Mo, Mahal Ko (1978) na pinagbidahan nina Tirso Cruz III, Nora Aunor at Christopher de Leon, sa direksiyon ni Elwood Perez.

Namayagpag ang love team nina Nora at Tirso, pero kay Christopher nagpakasal si Nora noong 1975.

Ngayong 2019, gusto ni Direk Joel Lamangan na pagsamahin muli sina Tirso, Nora, at Christopher sa isang makulay na pelikula, na ang pamagat ay Isa Pang Bahaghari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumbaga, “younger” version ito ng Rainbow’s Sunset na pinagbidahan nina Eddie Garcia, Gloria Romero, at Tony Mabesa.

Sa Isa Pang Bahaghari, flamboyant gay si Tirso.

Mag-asawa sina Nora at Christopher.

Magkaibigan sina Tirso at Christopher, na minsang nalasing sila noong bata-bata pa sila ay nagkatikiman sila.

NOEL FERRER: Nakausap ko si Boyet de Leon na guest ko sa Level Up Showbiz Saturdate program ko kagabi sa Radyo Inquirer.

Wala siyang problema sa kombinasyon.

Basta maganda ang kuwento at ayos lahat—sked, TF, lahat-lahat, OK! Go!

I pushed the discussion, paano kung katulad ng Rainbow’s Sunset na si Ate Guy ang Gloria Romero at sila ni Pip ang magkarelasyon, Ok ba sa kanya?

Sabi ni Papa Boyet, nagkaroon na siya ng ganyang role sa American Adobo (2001) with Ricky Davao, and Palipat-Lipat, Papalit Palit (1982) with Mark Gil.

Basta OK ang script, at bagay at challenging sa kanya, he will consider. What do you think?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GORGY RULA: Medyo umay na ang kuwentong kabadingan. Hindi pa rin kasi talaga ito pumapatok sa mga manonood.

Suwerte lang ng Rainbow’s Sunset dahil humakot ng awards noong nakaraang MMFF, kaya nakabawi.

Nabanggit naman noon ni FDCP Chairperson Liza Diño na mas ini-encourage nila ang producers na gumawa ng reunion movie para sa Centennial Celebration of Philippine Movies.

Magandang magsama uli sina Christopher de Leon, Tirso Cruz III, at Nora Aunor.

Pero mas bongga kung isasali si Congresswoman Vilma Santos.

Isang family drama na puwede ring mag-inject ng kabadingan, pero hindi naman doon lang umiikot ang kabuuan ng kuwento.

Nasa kamalayan ng millennials ang tambalang Guy & Pip, at siyempre ang Vi & Boyet.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN