JERRY OLEA: Malakas ba sa takilya ang horror movie na Eerie nina Bea Alonzo at Charo Santos?
Marso 27, Miyerkules, ito nag-open sa mga sinehan.
May nagsabi sa akin na more or less ay P7M ang first-day gross nito.
Iyong Maria ni Cristine Reyes ay nabawasan daw agad-agad ng mga sinehan.
Nitong Marso 31, Linggo ng hapon, nag-tweet ang Star Cinema at si Direk Mikhail Red na naka-P40M ang Eerie sa apat na araw (Marso 27-30) na showing nito, at 230 na ang mga sinehan nito ngayong weekend.
Sa tingin ninyo, may padding ang P40M na iyan?
NOEL FERRER: Ang naibigay sa aking figure ay P6.4M ang first day ng Eerie habang over a million daw ang Maria for the first day gross.
Not bad for Eerie, and needs improvement sa Maria.
Hindi ko lang nasubayayan iyung gross ng succeeding days na.
Sana, with good word of mouth, ay patuloy ang mga kababayan natin sa pagtangkilik ng kakaibang panoorin.
GORGY RULA: Maganda ang feedback sa dalawang pelikulang nagbukas noong Miyerkules.
Ang ganda ng visuals ng Eerie kahit medyo kulang pa sa takot factor.
Hindi ko pa napanood ang Maria, pero nagandahan lahat ng kakilala kong nakapanood nito.
Mas gusto nila ito kesa sa Buy Bust, kaya binili na rin daw ito ng Netflix.
Sana makabawi pa. Sayang kung mapu-pullout agad-agad sa mga sinehan.