Rowell Santiago, "iniwan" na ng co-stars niya sa Ang Probinsyano

IMAGE Rowell Santiago Instagram

NOEL FERRER: Goodbye na sa long hair si Direk Rowell Santiago.

Bagong gupit na siya sa bagong yugto ng pagbabalik niya bilang Presidente sa FPJ’s Ang Probinsiyano.

Thankful si Rowell sa kanyang one-year stint na sa teleserye ni Coco Martin na nagsimula noong March 23, 2018.

Bilang President Oscar Hidalgo, sari-sari ang narating ng kanyang karakter.

Noong una ay nasa Palasyo siya hanggang sa napagkamalang patay na.

Nag-resurface ang character niya bilang kasama ng grupong Vendetta at halos six months silang magkakasama araw-araw sa Tanay.

Madalas naghahabol sila ng mga eksenang for airing pa kung minsan.

Isa-isang nalagas ang kanyang co-actor, kasama na ang leading lady na si Dawn Zulueta at anak na si Ryza Cenon.

Kahit ang mga katunggali niyang sina Edu Manzano, Jhong Hilario, at Joross Gamboa, pati na sina Lito at Mark Lapid ay namaalam na rin, kaya dumaraan sa isang sepanx (separation anxiety) si Rowell.

Hiwalay na siya ng set at hindi na niya kasama sina Angel Aquino, John Prats, Bianca Manalo, at iba pang kasama sa kanilang grupo.

Nami-miss niya ang samahan nila dahil they ate, talked, shared meals and long hours together.

Meron pang internal deal sa kanila na kung merong male-late sa kanila ay magti-treat sa President’s Resto worth P10K.

Ginawa na rin nila lahat (lalo na si Rowell) para sa show—kumanta, sumayaw, lumangoy, hinukay ang bangkay, humabol ng truck at marami pang iba.

Bilib din siya sa pagpasok ni Lorna Tolentino at malaking tulong daw ito sa bagong chapter ng teleserye.

Galing na galing si Rowell kay LT at bilib ito sa pakikisama niya sa mga nauna sa kanya sa teleserye.

Dahil sa pagmamahal niya sa show, President Oscar Hidalgo lives on.

And the FPJ’s Ang Probinsyano saga continues.

JERRY OLEA: FB friend ko si Lorna at ang sabi niya sa akin sa Messenger noong Marso 28, Huwebes ng gabi, maligaya siyang makasama sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil No. 1 ang show, at maganda ang karakter niya rito.

Ang alam ni Lorna ay isang buwan ang taping niya rito.

Ang tataas ng National TV Ratings (Urban + Rural) ng FPJ’s Ang Probinsyano noong nakaraang linggo.

Ayon sa Kantar Media, naka-43.4% ito noong Marso 25 (Lunes), 44.5% noong Marso 26 (Martes), 44.8% noong Marso 27 (Miyerkules), 46.8% noong Marso 28 (Huwebes), at 44.6% noong Marso 29 (Biyernes).

Ito lang ang programang umabot sa line of 4 last week, ayon sa Kantar Media.

Kung ganyan nang ganyan ang ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano, bakit pag-iisipan mo itong tsugiin?

Don’t kill the goose that lays the golden eggs, 'ika nga.

GORGY RULA: Si Coco Martin daw talaga ang nakakabilib dito dahil kahit inuumaga sa taping, maaga pa rin siyang dumarating sa susunod na taping day.

Medyo madugo lang talaga ang taping dahil bukod kay Coco na over-all director sa teleseryeng ito, nandiyan pa sina Malu Sevilla at Michael de Mesa na nagdidirek sa iba't ibang units.

Samantala, kung patuloy na pinag-uusapan ang bawat episode ng FPJ’s Ang Probinsyano, lumalaban kahit papano ang katapat na Kara Mia ng GMA-7.

Mas type pala ng mga manonood na pinaghiwalay sila, at nag-aaway silang magkapatid.

Pero ang dagdag na twist dito, nagdidikit sila uli pagdating ng umaga.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN