MMK episode ni Maymay Entrata, nanaig ang ganda sa TV ratings

IMAGE Courtesy of ABS-CBN

JERRY OLEA: Nag-tweet ng pasasalamat ang MMK na hinu-host ni Charo Santos tuwing Sabado night sa ABS-CBN.

Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media noong Marso 30, Sabado, naka-30.6% ang MMK episode na pinagbidahan ni Maymay Entrata bilang beauty queen na si Judith Manap ("Busilak na Korona"), kontra sa 15.7% ng Magpakailanman kung saan tampok si Glaiza de Castro bilang TNVS driver na si Matet Craig ("Drive Me Crazy").

Mahigit 1M tweets ang hinamig sa Twitter ng episode ni Maymay, at may mga umalma sa pagba-blackface niya.

Nagpasalamat din sa socmed ang Magpakailanman na hinu-host ni Mel Tiangco, pero hindi nila ipinost ang NUTAM rating nito.

NOEL FERRER: Excited at fascinated ako sa maaaring mangyari pa sa career ni Maymay kaya na-test sa kanyang MMK ang kanyang pull sa tao.

Pagkatapos nito ay tutulak na siya papuntang Hong Kong para sa pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Good test din iyan dahil habang iba ang kapartner ni Kath ay wala namang Edward Barber na kasama si Maymay, kaya women power ito!!!

JERRY OLEA: Ayon pa rin National TV Ratings ng Kantar Media, naka-14.4% ang Gandang Gabi, Vice noong Marso 31, Linggo, kung saan guest si Kuya Escort Ion Perez, kontra sa 7.3% ng The Boobay And Tekla Show.

Naka-21.4% ang Rated K ni Korina Sanchez, kontra sa 27.3% ng Kapuso Mo, Jessica Soho na patuloy ang pag-ariba.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN