Vilmanians, dadamayan si Vilma Santos sa pagluluksa

IMAGE Noel Orsal / Facebook

NOEL FERRER: Hinay-hinay ang lahat sa pagtanggap ng mga balita ngayon dahil April Fools Day, pero no one jokes about death.

Kaya noong nag-post si Luis Manzano nitong Abril 1, Lunes ng gabi, sa Facebook ng “RIP Mama Ganda” ay biglang natahimik ang PEP Troika at nagsiyasat.

Totoo nga, pumanaw ang ina ni Vilma Santos na si Milagros Santos. Ipinaabot namin ang pakikiramay sa pamilya ng mahal nating si Ate Vi.

JERRY OLEA: Ninety-three years old na si Mama Milagros. 

“Madalas siyang maospital sa Lipa (Batangas). May Alzheimer’s Disease na siya. Let’s pray for the repose of her soul,” sabi ng kaibigan naming Vilmanian for All Seasons.

Dagdag na balita ng Vilmanian, sa Abril 3, Miyerkules ang umpisa ng viewing sa Loyola Memorial Park, Sucat, Parañaque City.

GORGY RULA: Habang nagdadalamhati si Cong. Vi, ang mga Vilmanian ang bahala sa pag-aasikaso sa burol.

Nangako ang Vilma Santos Solid Supporters International at ang Vilma Santos Forever Friends International na sasamahan nila si Cong. Vi mula sa day one ng burol ni Mama Mila hanggang sa libing.

Nakikiramay po kami sa lahat na iniwan ni Mommy Mila, lalo na kay Cong. Vi.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN