Hubaran sa indie film Jino To Mari, umabot sa sukdulan


JERRY OLEA: Bading na assistant director sa shooting ng isang porno movie ang papel ni Perry Escaño sa pelikulang Jino to Mari, isa sa official entries ng Sinag Maynila 2019 indie filmfest (Abril 4-9).

Oliver Aquino and Angela Cortez

“Iba yung pagkakagawa ni Direk Joselito Altarejos dito,” sambit ni Perry sa intimate presscon nitong Abril 1, Lunes ng hapon, sa Max’s restaurant, Sct. Tuazon St., Quezon City.

“This is more than Live Show [2000].

“I was part of Live Show before. So, yun, makikita mo, live.

"Pero dito, makikita mo yung tight shots ni Direk kung paano ginawa.

“Even me, talagang nagulat ako sa mga surprise na ginawa rito ni Direk sa film, sabi ko nga.

“Na totally nude dito sina Oliver Aquino at Angela Cortez.

“Hindi ko nga alam kung saan yung feelings ko that day, habang ginagawa yung eksena... affected ba ako dapat kay Oliver dahil gay iyong role ko? O kay Angela?

“Kasi nakakagulat. May mga surprise na bigla na lang may papasok na male characters totally nude.

“So, hindi ko alam yung feeling after ng cut ni Direk. Uminom agad ako ng tubig. Kasi, sobrang iba.

“I think, this is one of the best films of Direk talaga.”

NOEL FERRER: Interesting ang premise ng pelikulang Jino To Mari.

Walang limits ang mga aktor dito dahil sukdulan na ito—at ipinapakita ang kanilang take sa flesh trade. Numb and nothingness.

Ang hirap kayang iportray yun!

Baka lumaban pang best actor si Oliver Aquino in his most daring role yet as a 17-year-old sex worker.

At si Perry Escaño, has he found his calling finally—to really make a mark as a “bading” actor?

Pahinga at itinago muna niya ang kanyang director’s hat for this Joselito Altarejos film na lumahok na sa filmfest sa Geneva at Cambodia.

Perry Escaño, Direk Joselito Alterejos, and Ruby Ruiz

GORGY RULA: Matagal na ring umaarte si Direk Perry dahil marami na siyang nagawang pelikula at drama series.

Kaya tiyak na kering-keri niyang gampanan iyan.

Mas mapupuri ko pa siya sa pag-arte kesa sa pagdidirek.

Pero bata pa siya. Marami pang chances para mapatunayang may karapatan din siyang magdirek.

JERRY OLEA: Kasama sa Jino to Mari si Ruby Ruiz bilang may-ari ng bahay sa isla kung saan kinunan ang porno movie.

Nakita ba ni Ruby ang mga eksenang hubad-hubad na ikina-shock ni Perry?

“Ay! Kitang-kita ko! Pero hindi ako na-shock,” matamis na pagngiti ni Ruby.

“Ha! Ha! Ha! Ha! Nag-enjoy ako. Hindi, joke! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Yes!

"Backstage and on cam, nakita ko po.

“Kung paano ginawa... it was very, very realistic. Ganun. Ahh... na nakatulong, nakaapekto sa emosyon ng mga artista.

“Iyong epek na kailangan, lumabas sa mga artista, doon sa main actors natin. Ahhh, I guess, that was the intention.

“Iyon ang gustong ipakita sa kuwento. At naipakita yun.”

First time ni Ruby na makasali sa ganitong klase ng pelikula.

Ani Ruby, “Ito yung parang sobrang daring, ganun. Sobrang daring. It was really very truthful. The execution, very truthful.”

R-16 ang rating ng Jino to Mari sa MTRCB.

Ang tagline nito, “Two souls denied of dignity. What is then left of them?”

Mapapanood ito sa Abril 4, Huwebes ng 4:00 P.M., sa SM North EDSA at SM Manila; Abril 5, Biyernes ng 1:30 P.M., sa SM Megamall at Cinema ‘76 Anonas; Abril 5, Biyernes ng 6:30 P.M., sa Gateway Mall at Black Maria; Abril 6, Sabado ng 9 P.M., sa Gateway Mall (gala screening) at Black Maria; Abril 7, Linggo ng 9 P.M., sa SM Megamall at Cinema ‘76 Anonas; Abril 8, Lunes ng 1:30 P.M., sa Gateway Mall; Abril 8, Lunes ng 6:30 P.M., sa Cinema ‘76 Anonas; Abril 9, Martes ng 6:30 P.M., sa Gateway Mall at Black Maria.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN