JERRY OLEA: Walang kaabug-abog na nag-premiere night ang pelikulang Portrait of My Love nina Polo Ravales & Kiray Celis nitong Abril 2, Martes, sa SM North EDSA.
Late ng dating si Kiray kaya hindi agad nagsimula ang screening.
May libreng tubig at popcorn para sa mga nanood nito.
Showing na ito ngayong Miyerkules, Abril 3, sa local cinemas, kasabay ang superhero movie ng DC na Shazam! at supernatural horror remake na Pet Sematary.
Mamayang 7:30 P.M. naman ang opening ceremonies ng Sinag Maynila 2019 sa The Podium.
Opening film ng indie filmfest ang Lakbayan trilogy, sa direksyon nina Brillante Mendoza, Lav Diaz, at National Artist Kidlat Tahimik.
Ngayong Miyerkules din ang simula ng viewing sa remains ni Milagros Santos (ina ni Congresswoman Vilma Santos-Recto) sa Loyola Memorial Park, Sucat Rd., Parañaque City.
GORGY RULA: Ang sabi, mala-Kita Kita itong Portrait of My Love na bagung-bago ang title, ha?
Hindi maganda ang feedback sa naturang pelikula. Kaya ewan kung sulit ang P250 o P300 na halaga ng ticket sa pelikulang ito.
Hindi kaya nag-bread trip lang sina Kiray at Polo sa pelikulang ito? Sayang din, di ba?
NOEL FERRER: Inilahok ito sa MMFF 2018 and it didn’t quite make the grade.
Parang na-inspire talaga ito sa Kita Kita na reverse naman. Odd coupling.
Si Polo naman ang role ni Alessandra na, coincidence naman, mag-ex pala.
'Tapos, si Kiray ba ang bagong Empoy?
Papasa ba ito sa panlasa ng manonood? Let’s wait and see.