Eerie, posibleng umabot sa P100M ang box-office gross

Eerie, posibleng umabot sa P100M ang box-office gross
by PEP Troika
Apr 3, 2019

JERRY OLEA: Tweet ng Star Magic nitong Abril 3, Miyerkules ng hapon, naka-P75M na ang pelikulang Eerie as of April 2, Tuesday.

Ni-retweet iyon ng direktor ng pelikula na si Mikhail Red.

Ewan kung domestic gross lang iyon ng horror movie nina Bea Alonzo at Charo Santos.

Malamang na ito ang ikalawang Pinoy movie ng taon na lalampas sa P100M-mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang una ay ang Valentine movie ng LizQuen na Alone/Together.

“Paparating na siya...” ang isa sa mga tagline ng Eerie.

Puwedeng patungkol iyon sa Avengers: Endgame, na nakatakdang ipalabas sa Abril 24.

Sabi-sabi, naso-sold out na ang advance tickets ng IMAX cinemas sa first day screening nito.

NOEL FERRER: While it may already be a cause for celebration being the second highest-grossing film of the year so far, medyo malayo pa rin ito sa box-office record ni Bea Alonzo, ha?

Buti na lang, may magandang word-of-mouth itong Eerie with the outstanding performances of the actors and really good technical values kaya may legs pa ito para mas marami pang makanood.

Malay ninyo, kung may mga theater fall out sa mga sinehan ng Portrait of My Love nina Kiray Celis and Polo Ravales, malamang na kina Bea & Ma’am Charo iyon malipat.

Siyanga pala, sa Abril 10, Miyerkules, sabay-sabay namang magbubukas ang Stranded nina Arjo Atayde & Jessy Mendiola, Last Fool Show nina JM de Guzman & Arci Muñoz, at ang reboot ng dark fantasy superhero film na Hellboy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA: Noong nag-tweet sila na naka-P40M na raw ang Eerie sa apat na araw (Marso 27-30, Miyerkules-Sabado), umarko ang kilay ng karamihan.

Parang hindi kapani-paniwala.

Sana, totoo itong inilabas nilang P75M (seven-day gross) na walang padding.

Mukhang hindi naman flop, kaya congratulations na rin sa Star Cinema at sa buong cast ng naturang pelikula.

Sa totoo lang, parang hindi commercial ang Eerie.

Kaya lang, magaling mag-promote ang Star Cinema at may international screenings ang movies nila kaya maganda ang takbo sa takilya.

Sana, maganda rin ang resulta ng mga magbubukas sa susunod na linggo, ang Stranded ng Regal at ang Last Fool Show.

Para hindi lang puro gawa ng Star Cinema ang kumikita.

Malaking bagay kasi kapag may malakas na TV network na nagpu-promote.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results