Gary Valenciano, susubukang humataw ulit sa kanyang US tour

IMAGE Gorgy Rula

GORGY RULA: Matagal pinaghandaan ni Gary Valenciano ang nalalapit niyang US Tour, ang He’s Back: Gary V US Tour ngayong Abril, kasama ang special guests niyang sina Jona at Katrina Velarde.

Nakatakdang mag-perform si Mr. Pure Energy sa April 12 sa Las Vegas; sa New York naman sa April 14; sa Pittsburgh, California sa April 20; sa Los Angeles, California sa April 21; sa Seattle sa April 26; at sa Morongo sa April 28.

Gary Valenciano with Katrina Velarde and Jona

Ito ang first major concert ni Gary V pagkatapos niyang ma-bypass heart surgery at sumabay pa ang kidney-cancer scare.

Nakagawa siya ng mall shows dito sa atin para sa pinu-promote niyang Awit at Laro, pero wala pang isang oras ang performance niya.

Itong gagawin niya sa Amerika ay halos dalawang oras siyang magpi-perform, gaya ng ginagawa niya noon.

Susubukan daw niyang ipakita ang mga dati niyang ginagawa sa stage, dahil yun ang hinahanap sa kanya ng fans.

Ayaw raw niyang panoorin siya para makita lang kung kaya na ba niyang mag-perform at ipakita ang pure energy pagkatapos ng mga pinagdaanan niya.

“I think kaya ko na,” nakangiting pakli ni Gary V nang nakapanayam namin nitong Abril 3, Miyerkules ng tanghali, sa Valencia Events Place, Quezon City.

“You have to balance a lot of my time, my medication, my time in the gym. You know, my physical preparations for something like this.

“Kasi, it was bound to happen, it was bound to come with this tour.

“Pero I think, even kahit hindi ako nagkaroon ng health challenges last year, I think at my tender age of 54, I also have to be careful,” dagdag niyang pahayag.

JERRY OLEA: Buhay na patotoo. Living miracle si Gary V.

Mabuti’t nandiyan lagi ang maybahay niyang si Angeli Pangilinan-Valenciano na katuwang niya sa mga pagsubok at paglalakbay.

Idalangin nating magtagal pa si Gary V sa ating piling upang maipagpatuloy ang kanyang misyon sa buhay.

GORGY RULA: Hindi pa rin kumupas si Gary V.

Nagpa-sample siya sa presscon kung saan kinanta niya ang mga huling ni-record niya.

Humataw pa siya sa medley ng mga pinasikat niyang kanta gaya ng "Hataw Na" at "Di Bale Na Lang."

Tinapos niya ang presscon na mala-mini concert kung saan tumodo rin ng sayaw ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde.

Ikinuwento ni Gary V na patuloy pa rin siya sa pag-iikot sa iba’t ibang paaralan para ibahagi sa mga kabataan ang pinagdaanan niya sa kanyang kalusugan.

Aniya, “I’m busy now visiting different universities, but instead of just singing, speaking to them, and reaching out to them, I just share with them my journey, to make these young people know na just like them, I also had my dream for success.

“But a lot of the younger people today don’t seem to quite understand that there’s a process that you have to go through in order to achieve things, and a lot of that is what they see on social media, which is all the successes, but you don’t see the process to get to the success.”

Isa na rito ang buong pananalig sa Diyos dahil yun daw ang dahilan kaya niya nalagpasan ang depression.

“I tell them that really, nothing is impossible.

“Nothing is impossible in life.

"And in my case, nothing is impossible with God.

"Because my health issues revealed to me and the doctors could only do their best.

“The heart, the bypass. E, ang dami nang nagba-bypass noon pa, di ba?

“E, cancer? That’s something new. Doctors can only tell you what you have, but cure it?

“It’s gonna take a miracle,” saad ni Gary V.

NOEL FERRER: We love Gary V!

He will never get into that stage unprepared. At isa siyang pamilya!

Hangad natin ang kanyang success hindi lang sa kanyang concerts, kundi sa kanyang personal na buhay lalo na sa kanyang kalusugan.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN