JERRY OLEA: Maayos na nairaos ni Direk Julius Ruslin Alfonso ang Black Lipstick workshop noong Abril 2, Martes ng hapon, sa The PARC Foundation, Lt. Artiaga St., San Juan City.
Kinumusta namin kay Direk si Migo Adecer.
May nakita o naramdaman ba siyang pagbabago kay Migo kumpara nang makaharap niya ito sa look test at story ng movie noong Marso 17, Linggo, bago napresinto si Migo sa Makati City?
Paano ang interaction ni Migo with his co-stars Kyline Alcantara & Manolo Pedrosa?
“Migo is very attentive and inquisitive especially on how I will be treating the scenes sa actual shoot,” kuwento ni Direk Julius through Messenger nitong Abril 4, Huwebes ng hapon.
“Very comfortable naman siya with his co-actors.
"The three of them [Kyline, Manolo and Migo] are intelligent individuals, eager to learn.
“I guess hindi ako mahihirapan sa kanila when we are in the actual set.
“Kate Valdez was not present during the workshop. May conflict sa sked.
"I've seen some of her works on TV and she's actually good.
“Strong yung personality and bagay sa role niya sa movie namin.
"We will start principal photography on April 9."
Nagtagal ba ang workshop? Nai-deliver ba ng mga artista ang mga ine-expect niyang emosyon?
“Two 2 hours lang iyung workshop which I handled,” tugon ni Direk Julius.
“The session was more on getting into their respective roles and having them sharing their personal inputs about their characters para pagdating sa shoot, they can easily channel into that.
"Mas mabilis at madali na for all of us.”
NOEL FERRER: Mukhang hindi naman mahihirapan si Direk sa mga artista niya lalo pa’t excited silang lahat magkapelikula.
At mahal natin si Direk Julius kaya support tayo sa kanya.
Sana rin, hindi sila mahirapan sa audience na manonood sa pelikula nila.
GORGY RULA: Ilang beses ko ring nakatsikahan si Migo mula pa noong sumali siya sa StarStruck.
May kakaiba siyang karakter na hindi mababago.
Maaaring may mababago sa kanya pagkatapos ng kinasangkutang insidente, pero nandiyan pa rin ang dating Migo na sana maipakita niya sa mga susunod niyang proyekto.
Ito kasing ginagawa niya sa Sahaya, sa pelikulang Black Lipstick, pati sa ibang guestings, trabaho lang ito sa kanya.
Meron talaga siyang gustong gawin na, sana, tanggapin daw ng mga tao.
Marami na kasi siyang nagawang kanta, na hindi niya masabi kung gaano ka-dark dahil malalim daw kung ikukumpara sa ilang kilalang millennial singers.
Ayaw na lang daw niyang magpa-pressure dahil feeling niya, hindi pa panahong iparinig sa mga tao.
Basta, take time lang daw siya.
Kapag libre raw siya, itinutuloy niya ang pag-compose ng mga kanta.
Wala raw siyang time frame kung kailan niya ito ire-record.
Malamang na may nagawa na naman siyang kanta base sa karanasan niya kamakailan.