Si Alex Gonzaga ba ang tinutukoy sa blind item na lilipat daw sa GMA-7?

IMAGE Noel Orsal

NOEL FERRER: Pumirma muli ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga ng two-year contract sa ABS-CBN noong Nobyembre 15, 2018.

Kaya naguluhan ako sa blind item nina Igan Arnold Clavio sa Double A sa Double B ngayong Abril 4, Huwebes, na kesyo ang kapatid ng isang celeb ay tatawid na sa GMA-7.

Two syllables ang first name, tatlong pantig sa apelyido.

May titik A sa first name; may letters A, O and G sa surname.

Ito ang clues: naghu-host, umaarte, nagko-comedy, nagba-vlog, nakakatawa.

Ang ate raw nitong personality ay nagho-host, may anak, married.

Swak na swak kina Alex at Toni, di ba?!

GORGY RULA: “Hindi po,” mabilis na sagot sa akin ng isa sa reliable sources na napagtanungan ko sa GMA-7.

Hindi pa rin ako nakumbinsi, may dalawang taga-Kapuso network akong napagtanungan. Waley silang alam!

Mukhang hindi sila interesado, at kahit ako man sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ko ilalagay si Alex sa GMA.

Ang isang narinig kong may pag-uusap sa Kapuso network ay si Jessy Mendiola, pero parang hindi nagkasarahan.

Uuriratin po natin iyan!

JERRY OLEA: Malamang sa alamang, Kapamilya pa si Alex. May kontrata, e.

May puwang ba sa ngayon ang Kapuso network para kay Alex?

Don’t tell me na kukunin siyang co-host sa Eat Bulaga, ang programang iniwan noon ng ate niyang si Toni Gonzaga.

Anong petsa na?! Abril 4, Huwebes na po ngayon.

Noong Lunes pa po ang April Fools’ Day.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN