GMA-7 writer Suzette Doctolero, ipinagtanggol sina Bianca Umali at Maymay Entrata


JERRY OLEA: May nagtanong sa Kapuso drama series writer na si Suzette Doctolero kung bakit si Bianca Umali ang kinuhang bida sa Sahaya, at hindi ang isang tunay na Badjao.

Tweet ni Suzette nitong Abril 3, Miyerkules ng gabi: “Di need maging Badjao o Aeta para gumanap na IP (Indigenous Peoples). Mainam sana kung may mga IP na mag-artista pero sino?

“Kungdi pwede ang artista na gumanap sa role na ito, may diskriminasyon din. Parang sa US, ang mga Asian, limitado lang ang role. Naman!

“Irespeto ang trabaho ng mga artista.

“Ang kailangan lang ay sensibilidad na maintindihan ano ang role niya at sa palagay ko ay nagagampanan naman ito ng mga artista ng Sahaya.

“Kaloka naman kung lahat sila, totoong IP.

“Hindi naman kami indie film, soap kami kaya need pa rin na maibenta ito.”

Nag-PM (private message) ako kay Suzette nitong Abril 4, Huwebes ng hapon.

Nabanggit ba niya ang Aeta dahil sa “blackface” issue sa episode ni Maymay Entrata sa MMK noong Marso 30, Sabado ng gabi?

Tampok doon ang lifestory ni Judith Manap, ang Aeta na may angking ganda at busilak na puso.

Tugon ni Suzette, “No. Ipinagtatanggol ko ang lahat ng artista na gumaganap na IP like Badjao o Aeta o anumang role ng indigenous peep.

“Walang kinalaman ang Maymay show. It’s about Sahaya.

“Nagkataon lang ho na may nagtanong why si Bianca ang artista at hindi tunay na Badjao.”

NOEL FERRER: At ano itong pagtatalo ng blogger na si Jude Cartalaba at ni Suzette Doctolero?

May pasaring si Jude kay Suzette.

Dinagdagan pa ni Jude ng ganito sa comment niya sa FB: “Dapat ang bida isang prized teleplay writer (kagaya ni Doctolero) ang kinidnap at nagkalintek-lintek na ang takbo ng show dahil bihag nga ang writer ng isang drug lord.

“Ang show kasi na sinusulat ng writer, about a druglord na nagtatago.”

This is the case of these writers more controversial about the shows they are referring to.

GORGY RULA: Lahat ba na sinasabi ng bashers, papansinin natin?

Lahat ba na nagkukuwestiyon, sasagutin?

Lahat ba na pinu-post at hanash ni Suzette, papatulan natin? Move on!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN