Sino ang dapat ipalit kay Liza Soberano bilang Darna?

IMAGE Screen grab from ABS-CBN News

JERRY OLEA: Ini-announce ng Star Cinema ang pagsasapelikula nila ng pelikulang Darna noong 2013.

Bida dapat si Angel Locsin, sa direksyon ni Erik Matti.

Kaso, may disc bulge sa kanyang spine si Angel, kaya pinalitan siya ni Liza Soberano.

Nagka-bone fracture si Liza sa daliri habang ginagawa ang fantaseryeng Bagani.

Ipinagpaliban muna niya ang shooting ng Darna, at ginawa ang Valentine movie nila ni Enrique Gil na Alone/Together.

Dahil sa creative differences ay umalis si Erik Matti bilang direktor. Pinalitan siya ni Jerrold Tarog.

Ngayong Abril 4, Huwebes, ini-announce ng ABS-CBN na nag-withdraw na si Liza sa Darna movie dahil sa medical reasons.

Makakasagabal ang finger bone fracture sa movie stunts na dapat gawin ni Darna.

Kailan pa naisip ni Liza na tanggihan ang dream project niya?

“About three weeks ago. Pagbalik niya from Bali, Indonesia, inupuan na namin para sa announcement,” sabi ni Ogie Diaz, manager ni Liza.

Siyempre, usap-usapan kung sino ang papalit kay Liza bilang Darna matapos mabalita ang kanyang withdrawal.

Kabilang sa mga pangalang lumutang sina Pia Wurtzbach, Kathryn Bernardo, Bea Alonzo, Julia Barretto, Nadine Lustre, Yassi Pressman, at Barbie Imperial.

Wala sa pinagpipilian si Julia Montes.

NOEL: Nakatanggap ako ng ganitong text kahapon:

“Hi Kapatid! I’m going to have an audition on Wednesday for a bida role in Star Cinema's Darna. May I invite your actresses ages 20-25yo for the go-see?

“We are looking for sexy, pretty, and have excellent acting skills for a major role for the Darna project. “Our audition is on APRIL 3 (Wednesday) at ELJ building, ABS-CBN Compound, Mother Ignacia QC from 2pm-5pm only.

“Kindly look for me, Niño Valencia. We have Marshals at the lobby to usher your actresses.

“Topbilled actresses and your rookie talents are also welcome as long as magaling umarte, sexy, at maganda. Thank you so much! :)”

Agad ko silang tinawagan. Kasi, medyo nakutuban na ako tungkol sa balita.

Pero nang klinaro ko ang requirements, ang sabi, pambida-kontrabida ang hinahanap nila.

Hanggang sa makatanggap ako ng message na: “Good pm! Sorry but POSTPONED po muna ang Darna Go-See scheduled for tomorrow to a later date. Rescheduled go-see to be finalized pa po. Thank you!”

Ayun na, hanggang dumating na ang balita ngayon.

Di ba, may similar experience ka, Tito Gorgy?

GORGY RULA: Yes po.

Noong nag-text sila ng announcement ng audition, nagpaalam ako kung puwedeng ilabas ko sa Alert natin, huwag daw, baka makuryente lang ako.

Parang may problema na sila noong una pa lang. Kaya hindi na ako nagulat nang na-postpone ang audition.

Sa shoot pa lang ng teaser nito, nagkaproblema na sila nang may naaksidenteng talent.

'Tapos, eto na ang inabot. Nagbabadyang hindi na matutuloy ang proyektong ito.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN