Tom Rodriguez, may itinatago rin bang video scandal?

IMAGE Gorgy Rula

GORGY RULA: Hindi ko gaanong ma-gets ang paliwanag ni Tom Rodriguez kung bakit napakadali nang mag-leak ang mga sex video scandal ngayon kahit sinasabi pang napakapribado yun sa taong gumawa.

Napaka-techie kasi ni Tom at mahilig talaga siya sa gadgets, kaya alam daw niyang sa panahon ngayon ay madali nang makakuha ng mga ganoong video kahit hindi naman sadyang ikinalat.

“You know, pag may remote access terminal yung laptop or even your phone?

“If I get a root kit on this? I can turn on your microphone, and I can turn on your camera and watch you wherever you are,” bahagi ng mahabang paliwanag ni Tom, nang nakatsikahan namin sa presscon ng bagong horror film niyang Maledicto na magsu-showing na sa May 1.

Hindi rin itinatanggi ni Tom na noong bagets siya ay nakipag-chat siya at nagawa rin niyang mag-video gaya ng mga kumakalat sa ngayon.

Nag-aalala ba siyang baka kumalat din ito?

“Sana, wala!” natatawa niyang sagot sa amin.

Hindi niya ipinagkaila na noong kabataan niya ay nagkaroon din siya ng long-distance relationship nang nasa Amerika pa siya.

“Siguro, when I was younger, I had my relationships yung long distance na parang online... Sana wala.

“Pero Yahoo! Messenger time pa yun, sana wala!” sabi pa niya.

Medyo naasiwa si Tom na pag-usapan ito dahil proud pa naman niyang kinukuwentong first time niyang gumanap na isang pari dito sa Maledicto, tapos tungkol sa sex video scandal ang pinag-uusapan namin.

JERRY OLEA: Nang mainterbyu ko ang 58-anyos na si Dagul noong Abril 3, Miyerkules ng hapon, sa Rodriguez, Rizal, inurirat ko siya kung masisiguro ba niya na wala siyang lalabas na j*k*l video scandal na kagaya ng ilang beteranong artista.

Mahiwaga ang ngiti ni Dagul, “E sila kasi, hindi sila nag-iingat, e.

"Joke lang! Joke! Hindi naman ako ganoon, e.

“Ako kasi, stick-to-one lang ako. Bakit ako maghahanap, maganda naman ang asawa ko. At saka may apat ako na anak.

“Puro guwapo. Maganda ang isang babae.

"E, hindi ko na kailangan na maghanap pa... o gumawa ng sex video!

“Kaya ang maipapayo ko sa kanila, pag gumawa kayo ng ganoon, mag-ingat kayo!”

NOEL FERRER: Basta ako, hindi ako techie, wala naman sanang lumabas na sex video ko o ninuman sa Troika!

Pero nasaan na iyung napapablitang kay Ivan Dorschner? Deadma na sa 71-year old actor.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN