Former Kuya Escort Greg Hawkins, ipapa-deport ng talent manager

IMAGE Instagram

JERRY OLEA: Nagbanta ang talent manager na si Lito de Guzman na ipapa-deport niya ang dating Kuya Escort ng It’s Showtime na si Greg Hawkins.

Nagpupuyos ang kalooban ni Lito sa post niya sa Facebook nitong Abril 4, Huwebes ng gabi.

Ang sustansiya ng hanash ni LDG minus the expletives: “Americanong nagkuwari na mabait at at masunurin! Chismoso!

“Hoyyy! Kung hindi dahil sa akin, namamatay ka na sa Pilipinas. Ang dapat sa iyo, i-deport.

“Kasi, hindi ka nararapat dito sa showbiz industry... Ang mga kuwento mo about Vice Ganda and Kylie Versoza, ipapasulat ko sa mga reporter.

“Ako lang ang nag-cover up sa ‘yo na mabait kang tao pero napapansin na rin ‘yan ng karamihan...

“Karma sa ‘yo kung bakit nawala ka sa It’s Showtime...

“Ginastusan lang kita kaya na-sustain ang career mo, but the truth is, pati staff and secretary ko, inaaway mo...

“Anong sinasabi mong hindi valid ang contract ko sa ‘yo? Marami akong grounds and cases, isasampa sa ‘yo sa Immigration, mapapauwi ka lang ng Utah.

“Inumpisahan mo, puwes, tatapusin ko!”

NOEL FERRER: The Who si Greg Hawkins?

JERRY OLEA: Ang cute-cute noon ni Greg Hawkins bilang Kuya Escort sa "Miss Q & A" segment ng It’s Showtime.

Kaso, nagkaproblema siya sa working permit. Kaya napalitan siya ni Ion Perez bilang Kuya Escort.

Nakasama si Greg sa cable show na The Legal Mistress ng Sari-Sari channel sa Cignal TV.

GORGY RULA: Sana, magkaroon ng chance na mag-usap silang dalawa.

Tingin ko naman, hindi iyan sasagutin ni Greg sa Facebook. Ka-cheapan na talaga kung sa FB sila magtatakakan.

Mag-usap sana sila.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN