The search is on (again) para sa bagong Darna

IMAGE Courtesy of Star Cinema

JERRY OLEA: Kani-kanya ng bet ang fans & netizens kung sino ang dapat pumalit kay Liza Soberano bilang millennial Darna.

Tweet ni Lea Salonga nitong Abril 5, Biyernes ng umaga: “So, what would I love to see as Darna? Someone morena or kayumanggi to represent the darker skinned Pinays to let them know they are powerful and beautiful exactly as they are.

“I’d also love for her to be a relative unknown. Let the story sell the film. That is all.”

Agree ba kayo na dapat “relative unknown” ang bagong Darna?

NOEL FERRER: I’m sure, kasama iyan sa intention kaya magpapa-audition.

Pero dapat, may gravitas din para sa viewers.

Kung ako nga, gusto ko sana, si Sarah Geronimo.

Parang far shot ‘yun. Pero di ba, bagay sa kanya?

JERRY OLEA: Proud si Winwyn Marquez sa pagiging morena. Kahit Kapuso, pwede siyang mag-Darna, di ba?

May mga nagsa-suggest na hintaying matapos ang reign ni Catriona Gray bilang Miss Universe para ito ang mag-Darna.

How about Maymay Entrata? O kaya si Kisses Delavin?

GORGY RULA: Pina-interpret ko sa psychic/spirit questor na si Atty. Nick Nangit itong nangyayari sa Darna.

Sa nakikita niya, parang mahirap nang masimulan ito uli ngayong taon.

Kung siya ang tatanungin, gusto niyang i-suggest na next year na ito simulan.

Starting April 10 ay magsisimula na ang Jupiter Retrograde kaya hindi raw magandang magsimula ng ganoon kalaking proyekto.

Mas maganda raw na next year nila ito umpisahan.

Burahin na raw yung mga nasimulan nila. Magsimula raw sa bago.

“I-scratch na nila yung mga nakunan nila before. Yung mga nabayaran nila o ginastusan nila noon, tapon na yun lahat.

“Mas okay sanang palitan na lahat, yung mag-start na sila, yung bago na lahat.

“Kasi hindi maganda yung start nila, e, kaya dapat bago na lahat,” pahayag ni Atty. Nangit.

Nakikita rin niyang mas okay kung si Angel Locsin ang gaganap, kung kaya na ng kalusugan nito.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN