NOEL FERRER: Habang binabangko pa nila (kina-can) ang bago niyang teleserye na Starla with Judy Ann Santos, nagpakita na sa wakas si Raymart Santiago sa isang ABS-CBN program!
Ni-launch na ang kanyang character bilang miyembro ng CIDG sa toprating at long-running ABS-CBN prime-time show na FPJ’s Ang Probinsyano.
Bagay na bagay si Raymart bilang kapalit ng action icons na nawala na istorya dahil panibagong yugto na naman ito.
Kaaway ba siya o kakampi ng kuya niyang Presidente (Rowell Santiago)?
Magandang malaman ang dynamics nila dahil refreshing makitang umaaarteng magkasama sina Rowell at Raymart.
Nagpapalakpakan ang mga tao sa taping dahil sa tagal na nila sa industriya, dito sa project na ito pa pala sila pagtatagpuin.
So, maliban sa bagong si Raymart, nakatutok din ako sa napaka-challenging na character ni Lorna Tolentino.
Sabik akong makita ang acting range niya rito.
At ina-anticipate ko na ang umaatikabong aktingan with the Grand Slam Queen na may sariling misteryo!
GORGY RULA: Medyo nahirapan nga si Lorna sa taping. Pero gustung-gusto niya ang role bilang si Lily.
Bagay naman si Raymart sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Hindi ko kasi napapanood, may role ba diyan si Rey Malonzo?
May nakarating kasi sa akin na di magandang feedback sa performance niya.
Sana, mabigyan siya ng chance. Matagal na rin kasing hindi natin siya napapanood na umaarte at nag-aaksyon.
JERRY OLEA: Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, nananatiling No.1 program ng bansa ang FPJ’s Ang Probinsyano.
Ito pa rin lang ang programang consistently nasa line of 4 ang ratings.
Noong Abril 1, Lunes, naka-43.7% ito.
Noong Abril 2, Martes, 41.9%.
Noong Abril 3, Miyerkules, 40.1%.
At noong Abril 4, Huwebes, 42.0%.
Tuloy ang ligaya!