Eerie, patuloy pa ring namamayagpag sa takilya


JERRY OLEA: Naganap na!

Tweet ng Star Cinema, as of April 5, Friday, 7:00 PM ay umabot na sa P102.3M ang kinita ng horror movie nina Bea Alonzo at Charo Santos na Eerie.

Ikasampung araw iyon ng Eerie sa mga sinehan.

Yung Portrait of My Love nina Kiray Celis & Polo Ravales, ano kaya ang sinapit sa takilya?

Ongoing ang Sinag Maynila 2019 indie filmfest.

Palabas ang entries sa anim na sinehan—SM Manila, SM Megamall, SM North EDSA, Gateway Mall, Black Maria, at Cinema ‘76-Anonas.

Back-to-back-to-back ang gala screening today sa Gateway ng Sinag Maynila entries na Pailalim (4:00 PM) nina Joem Bascon & Mara Lopez, Jesusa (6:30 PM) ni Sylvia Sanchez, at ang pinag-uusapan ng mga bekibelle na Jino to Mari (9:00 PM) nina Oliver Aquino & Angela Cortez.

P200 ang halaga ng ticket sa bawat screening.

Sa Abril 10, Miyerkules, mag-o-open sa mga sinehan ang Last Fool Show nina JM de Guzman at Arci Muñoz, ang Stranded nina Arjo Atayde at Jessy Mendiola, at ang Hollywood reboot ng Hellboy.

Ramdam na ramdam ko na ang lakas ng Avengers: Endgame na mag-o-open sa Abril 24.

Kung walang Pinoy movie na tumapat sa Captain Marvel, lalo na siyempre sa Endgame.

Ewan kung may budget at interes ang Pinoy moviegoers sa ibang pelikulang mag-o-open before or after Endgame, local man o banyaga.

Ngayong Abril din sisiklab sa HBO channel ang final season ng Game of Thrones, ‘no?!

At sa Netflix ay more and more ang new releases, gaya ng 2nd season ng The Chilling Adventures of Sabrina.

NOEL FERRER: Congratulations sa Eerie at pursigido talaga silang makaabot sa kanilang target audience.

Hanggang kahapon ay may pa-block screening pa sina Ian Veneracion, Doc Aivee, at Ben Chan para sa pelikula nina Ma’am Charo at Bea.

Kaya deserved ng pelikula ang success na tinatamasa nito sa sipag ng mga artista.

Speaking of Sinag Maynila, makakasama ko ang ilang filmmakers nito at ang festival director na si Cannes Best Director Brillante Mendoza mamaya sa aking Level Up Showbiz Saturdate sa Radyo Inquirer 990khz AM.

Snabi nitong nagkaroon nga ng problema ang Gateway kahapon kaya nakansela ang ilang screenings ng mga sineng lahok sa Sinag Maynila.

Pero tuloy ang mga palabas at premieres ngayong Sabado, sabi ni Direk Brillante.

Sana, mas marami pang mga tao ang makakapanood ng mga pelikulang kalahok.

GORGY RULA: Parang dadaan itong Sinag Maynila na hindi man lang namalayan ng Pinoy movie fans.

May ilang nagpuntahan sa Gateway kahapon na hindi raw nakapanood dahil nagkaproblema raw sa kopya?

Ikalimang taon na ng Sinag Maynila, pero hindi pa rin ito pumapasok sa kamalayan ng karamihan.

Ang Cinemalaya, matagal-tagal din bago nakakuha ng audience, pero nakikita mong improving every year.

Tila nahihirapan yata itong Sinag Maynila.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN