JERRY OLEA: Ngayong Abril 6, Sabado ng gabi, na ang MNL48 First Generation: Living The Dream concert sa New Frontier Theater, Araneta Center, Quezon City—6 p.m. magbubukas ang gate, at 7 p.m. mag-uumpisa ang palabas.
JPOP-inspired ang concert na ito na ididirek ni GB Sampedro.
Maliban sa 48 girls (edad 15-20) na members ng MNL48, may siyam pang dilag na magtatanghal. Bale 57 lahat silang pangunahing performers. Ilan kaya sa kanila ang mangingibabaw? Sinu-sino kaya ang mas titilian at papalakpakan ng kanilang fans and supporters na tinaguriang MNLoves? Ang MNL48 ay sister group ng AKB48 ng Japan. Last year sila nabuo sa nationwide search na ipinalabas sa It’s Showtime ng ABS-CBN.
Naka-breakthrough sila sa mga kantang "Aitakatta—Gustong Makita," "Talulot ng Sakura," at "Pag-ibig Fortune Cookie."
Nakatulong ang performance nila sa AKB48 Group Asia Festival kamakailan sa Bangkok, Thailand para ma-boost ang kanilang confidence.
Hindi lang mga Pinoy ang sumusuporta sa MNL48, ha! Marami rin silang international fans na inaasahang dadagsa sa unang idol concert ng MNL48 sa Pilipinas. Ang halaga ng tiket sa concert ay PHP5,300 (SVIP), PHP4,240 (VIP), PHP2,120 (Loge), at PHP1,060 (Balcony).
NOEL FERRER: Major-major ang supporters ng mga ganitong concert—which prompts me to ask—mas buhay nga ba ang live theater at concert scene sa ating bansa kaysa sa panonood ng pelikula? What do you think?
GORGY RULA: Naaalala ko ang pakontes nila sa It’s Showtime pero di naman iyon gaanong nag-hit. Sana, dito sa pa-concert nila sila bumawi. Hindi naman kasi sila gaanong napag-usapan at hindi ako sure kung gaano na ba talaga sila kalakas sa fans.